問題一覧
1
CHED
commission on higher education
2
nag-aatas ng pagpapatupad ng bagong General Education Curriculum (GEC) alinsunod sa programang Kto12.
CHED
3
GEC
general education curriculum
4
Naging kontrobersyal ang nasabing CMO dahil tinangka nitong alisin o burahin ang espasyo ng wika at Panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.
CHED Memorandum Order (CMO) No. 03, series of 2013
5
mga grupong makabayan sa bansa sa pangunguna ng Alyansa ng mga…
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika)
6
TRO
temporary restraining order
7
noong ______ bunsod ng petisyon ng Tanggol Wika ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagtatanggal sa Filipino sa Panitikan sa kolehiyo.
Abril 2015
8
noong ____ naman ay inilabas ng ______________ upang ipatupad ang nasabing resolusyon ng Korte Suprema.
Abril 2018, CHED ang CMO No. 04, series of 2018
9
Filipino Bilang….
Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan
10
ang legal na batayan ng konsepto ng Filipino bilang wikang pambansa, ang magkarugtong na gamapanin nito bilang wika ng opisyal na komunikasyon, at bilang panturo sa Pilipinas.
Artikulo XIV Komstitusyong 1987
11
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang edukasyon.
Seksyon 6
12
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Español at Arabic.
Seksyon 7
13
nangunguna sa lahat ng magkakapantay (first among equals) ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sa kontekstong multilinggwal at multicultural ng Pilipinas.
primus inter pares
14
dapat na patuloy ring ginagamit sa iba’t ibang tiyak na konteksto ang iba pang wika ng Pilipinas
bilang wikang pantulong o auxiliary languages sa mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon.
15
MTB MLE
Mother Tongue-Based Multilingual Education
16
Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagbibigaydiin sa papel ng wikang pambansa sa mabilis na pagkakaunawaan at pagpapasibol ng
damdamin ng pagkakaisa
17
mamamayan sa arkipelagong may humigit-kumulang ___ na “buhay” na wika, ayon sa “Linguistic Atlas ng Pilipinas (KWF,2015) at sa papel nito bilang isa sa mahahalagang pambansang sagisag na sumasalamin sa pagkabansa at kaakuhan ng mga Pilipino.
149
18
malinaw rin na ang Ingles ay pangalawang wikang opisyal lamang na maaaring alisan ng gayong istatus ng Kongreso kung nanaisin nila.
Konstitusyon 1987
19
Samakatwid, habang ang Filipino ay di maaaring tibagin at alisin bilang wikang opisyal, ang Ingles ay maaaring alisin anumang panahong naisin ng Kongreso. Ibinuod ni Atienza (1994) sa artikulong ________” ang mga praktikal na kahalagahan ng Wikang Pambansa sa isang bansang gaya ng Pilipinas na dati’y kolonya, laban sa dominasyon ng wikang banyaga gaya ng Ingles
Atienza (1994) sa artikulong “Drafting the 1987 Constitution the Politics of Language”
20
ang paggamit ng wikang dayuhan, lalo na ng Ingles, ay nagbunsod ng mabagal napag-unlad (underdevelopment) hindi lamang ng mga wika sa Pilipinas kundi maging ng mabagal na pag-unlad
pambansang kultura ar identidad
21
Ang inklusyon ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo ay patakarang tumutupad sa mga probisyong pangwika ng
konstitusyon 1987
22
ibang wikang kamag-anak ng Filipino –
bahasa melayu at bahasa indonesia
23
dapat isabalikat ang lubusang paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng opisyal na komunikasyon ng gobyerno, alinsunod sa
konstitusyong 1987
24
Filipino ang wika ng 99% ng populasyon ng bansa habang ni wala pang 1% ang gumagamit ng Ingles bilang wika sa tahanan
…
25
ayon kay… ang wikang pambansa ang wikang higit na makapagbibigay-tinig at kapangyarihan sa mga tagawalis nito, at kaugnay nito ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaalaman at makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa mga intelektwal at sa masa.ang wikang pambansa ang wikang higit na makapagbibigay-tinig at kapangyarihan sa mga tagawalis nito, at kaugnay nito ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaalaman at makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa mga intelektwal at sa masa.
Gimenez Maceda (1997)
26
ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na Pilipino,”
Constantino 2015
27
pandaigdigang Sistema ng malayang kalakalan o free trade na isinasagawa sa pamamagitan ng pag-aalis ng taripa – nananatiling mahalagang panangga sa daluyong ng kultural na homogenisasyon (ang paglamon ng kulturang Kanluranin (western culture) sa local na kultura, ang wika ng bayan, ang sariling atin).
panahon ng globalisasyon
28
Madalas na sinasabi ng mga promotor ng globalisasyon gaya ng mga multinasyunal na institusyon tulad ng
world bank at world trade organization
29
Ayon sa kanila, layunin… na buuin ang isang daigdig ng mga bansang malayang nagpapalitan ng produkto at kapital (puhunan) ang pangunahing doktrina ng globalisasyon. Sa pagsusuri naman ng mga kritiko, negatibo ang epekto ng globalisasyon sa mga wika at kultura ng marami-raming bansang hindi maimpluwensya sa arenang global.
layunin ng globalisasyon
30
sa espasyo ng sariling wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang negatibong bisa nito sa lipunang Filipino.
Lumbera 2003
31
Hindi dapat magbunga ang globalisasyon ng panibagong pagkaalipin para sa sambayanan.
….
32
Nakalangkap sa wika at panitikang katutubo ang pinagdaanang kasaysayan ng sambayanang lumaban sa pananalakay at pang-aalipin ng kolonyalismong ______ at ______
español at amerikano
33
Nagsisimula ang pagpapahalaga natin sa sarili nating wika at kultura, at sa pag-aaral ng ating sariling kasaysayan, ng mga suliranin sa ating lipunan, ang pagbubuo ng makabuluhang adyenda sa pananaliksik.
…..
34
Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan at kabuluhan, ngunit lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung isasaalang-alang ang pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito.
Maka Pilipinong Pananaliksik
35
Ang Pilipinas ay isang lipunang dumanas ng mahabang kasaysayan ng pananakop at ngayon ay dinadaluyong ng globalisasyon, nananatiling bansot at nakaasa ang mga siyentipikong pananaliksik ng iba’t ibang larangan sa mga banyagang kaalaman. Nananatiling hamon para sa mga Pilipinong iskolar at mananaliksik ang pagbuo ng kalinangan sa pananaliksik na nagmumula at ginagabayan ng sariling karanasan, umuugat sa aral ng kasaysayan, at nagsisilbing para sa sambayanan. Sa ganitong konteksto, malaki ang pangangailangang paunlarin ang maka-Pilipinong pananaliksik.
Maka-Pilipinong Pananaliksik
36
Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.
Mga Katangian ng maka-Pilipinong pananaliksik ayon kay Sicat-De Laza (2016):
37
1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan. 2. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino. 3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.
Mga Katangian ng maka-Pilipinong pananaliksik ayon kay Sicat-De Laza (2016):
38
ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.
komunidad
39
gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.
maka-Pilipinong pananaliksik
40
Terminolohiyang Tumutukoy sa Filipino Bilang Larangan
Araling Pilipinas Araling Pilipino Araling Filipino Filipinolohiya Philippine StudiesAraling Pilipinas Araling Pilipino Araling Filipino Filipinolohiya Philippine Studies
41
Ang esensya ay interdisiplinaryo o nagtataglay ng “mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o higit pang disiplina upang makamit ang higit na paglilinaw at pagunawa sa isang partikular na usapin”Ang esensya ay interdisiplinaryo o nagtataglay ng “mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o higit pang disiplina upang makamit ang higit na paglilinaw at pagunawa sa isang partikular na usapin”
Guillermo 2014
42
Ang esensya ay interdisiplinaryo o nagtataglay ng “mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o higit pang disiplina upang makamit ang higit na paglilinaw at pagunawa sa isang partikular na usapin”
Filipino Bilang isang disiplina
43
Ang wika ay mabilis na uunlad kung ito’y ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay, panlansangan, pangaliw o pangmahirap lamang. Ang katutubong wika na yumayabong ay nakatutulong sa katutubong pag-iisip.”
….
44
Gamitin ang Filipino sa iba’t ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino kundi ng kaisipang Pilipino mismo. “Ang wika ay mabilis na uunlad kung ito’y ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay, panlansangan, pangaliw o pangmahirap lamang. Ang katutubong wika na yumayabong ay nakatutulong sa katutubong pag-iisip.”
ang Filipino bilang isang disiplina
45
Pagpapaunlad sa Wikang Filipino (Bilang Larangan/sa Iba’t Ibang Larangan)
Gamitin ang Filipino sa iba’t ibang larangan Gamitin ang Filipino bilang wika ng pananaliksik
46
Limang Hakbang sa ikauunlad ng pananaliksik (San Juan 2017)
Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik Magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na libreng magagamit para sa mga mass translation project Bigyang prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong mataas na edukasyon at ng mga programang gradwado. Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas
47
I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipino) (Paano babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino mismo?)
Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba
48
Sa pamamagitan nito, makatitiyak na madaling mababasa at maipapalaganap sa buong bansa at sa ibang bansa na rin ang mga pananaliksik ng mga Pilipino. Maaaring obligahin ng CHED ang lahat ng unibersidad na magsumite ng digital copy ng bawat thesis at disertasyon na naisusulat. I-aarkibo ito sa isang website para madaling mag-search at mag-download.Sa pamamagitan nito, makatitiyak na madaling mababasa at maipapalaganap sa buong bansa at sa ibang bansa na rin ang mga pananaliksik ng mga Pilipino. Maaaring obligahin ng CHED ang lahat ng unibersidad na magsumite ng digital copy ng bawat thesis at disertasyon na naisusulat. I-aarkibo ito sa isang website para madaling mag-search at mag-download.
Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik
49
Kailangang lansakang isalin ang mga pananaliksik na naisusulat sa buong mundo tungkol sa Pilipinas para matiyak na mapakikinabangan ang mga iyon ng mga Pilipino. Dahil realidad ang kakulangan ng sapat na tagapagsaling competent, mainam kung may available translation software na libreng magagamit.
Magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na libreng magagamit para sa mga mass translation project
50
Ito ang makapagtitiyak na ang mga mananaliksik at eksperto sa ating kapuluan ay may kakayahan nang makipag-usap, makipagtalakayan at iba pa sa ordinaryong Pilipino na inaasaahang makikinabang sa kanilang mga pananaliksik. Dapat magbalangkas ng guidelines ang CHED para atasan ang unibersidad na payagan at hikayatin ang paggamit ng Filipino sa pananaliksik lalo na sa thesis at disertasyon.
Bigyang prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong mataas na edukasyon at ng mga programang gradwado.
51
Ang mga ganitong departamento ang magbibigay ng sapat na espasyo at maglilinang pa sa mga saliksik kaugnay ng Filipino/ Araling Pilipinas sa loob ng bansaAng mga ganitong departamento ang magbibigay ng sapat na espasyo at maglilinang pa sa mga saliksik kaugnay ng Filipino/ Araling Pilipinas sa loob ng bansa
Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas
52
Agam-agam ng maraming akademiko at maging mga estudyante kung posible nga bang magamit ang Filipino sa pagtuturo at pananaliksik. Bagama’t nangyayari na o may mga gumagawa na, nananatiling palaisipan o sadyang ayaw tanggapin kung magiging epektibo ba ito.
Realidad / Isyu
53
Kadalasang dahilan o katwiran: posible naman na magamit ang Filipino sa mga talakayan na tila ba pantulong na wika lamang ito at hindi ang pangunahing instrumento sa pagtuturo. Maaari daw ito sa mga pasalitang pagkakataon tulad ng mga panayam at talakayan sa klase, subalit bumabalik na sa nakasanayang Ingles kung ito’y pasulat na.
Realidad / Isyu
54
Ang paggamit ng Filipino upang ituro ang mga kurso sa agham panlipunan at humanidades, pasalita man/at pasulat ay pinatutunayan ng mga propesor sa iba’t ibang unibersidad tulad ni Prof. Manuel Dy, Jr. ng Ateneo de Manila.
Filipino Bilang Wika ng Pagtuturo (Patunay)
55
Ang paggamit ng Filipino upang ituro ang mga kurso sa agham panlipunan at humanidades, pasalita man/at pasulat ay pinatutunayan ng mga propesor sa iba’t ibang unibersidad tulad ni…
Prof. Manuel Dy, Jr. ng Ateneo de Manila.
56
Prof. Manuel Dy, Jr. ng Ateneo de Manila. Sinimulan niyang ituro ang agham panlipunan sa Pilosopiya noong 1975. Ito ay ang mga sumusunod:
Pilosopiya ng Tao Pilosopiyang Moral Pilosopiya ng Relihiyon
57
Impluwensiya ito ng kanyang mga kaibigan at kasamahan na nagturo din ng mga katulad na kurso sa Filipino at hindi sa Ingles, sila ay sinaImpluwensiya ito ng kanyang mga kaibigan at kasamahan na nagturo din ng mga katulad na kurso sa Filipino at hindi sa Ingles, sila ay sina
Padre Roque Ferriols, S.J. na isang Ilocano; at si Dr. Ermita Quinto ng La Salle na isang Kapampangan.
58
inilimbag ang Magpakatao, Ilang Babasahing Pilosopiko (kasamang awtor sina
1979 - sina Padre Roque Ferriols G. Eduardo Calasanz
59
Babasahin sa Pilosopiyang Moral Pinasulat din niya sa Filipino ang mga papel (pananaliksik) sa kurso ng mga mag-aaral
1985
60
ng mga praktikal na gagawin sa pagtuturo ng Pilosopiya sa Filipino na maaari namang magamit bilang mga pamamaraan sa pagtuturo maging ng iba pang mga kurso. Narito ang ideya ng kaniyang mga mungkahi:
G. Dy (2003)
61
Iba pang mga propesor na gumamit ng Filipino sa pagtuturo:
Tereso Tullao (La Salle) at Agustin Arcena (UP) Kapwa nagturo ng Ekonomiks Generoso Benter (Lohika)
62
Isa sa mga palasak at di-siyentipikong argumento sa paggamit sa Filipino sa mga intelektuwal na diskurso ay ang pagrarasong hanggang sa pasalitang talakayan lamang ito magagamit at hindi sa mga pasulat na sitwasyon, partikular sa mga pananaliksik at iba pang kaugnay na publikasyon. Subalit dapat tandaan na ang totoong kulang sa ganitong sitwasyon ay hindi ang kakayahan ng wika kung hindi ang kakayahan ng taong gumagamit nito. Hangga’t may mataas na antas ng karunungang gumagamit nito, kakayanin ng wika ang anomang pagdidiskursong gagawin, pasulat man o pasalita.
Filipino Bilang Wika ng Pananaliksik
63
Ang kaugnayan ng pilosopiya sa paghubog ng sosyolohiyang Filipino: Ang pagsasama, paghihiwalay, at muling pagbabalikan ng sosyolohiya at pilosopiya”
(2004) Gerry M. Lanuza
64
Taas ng diwa, linaw ng katwiran at sarap ng salita: Ang balagtasan sa pangangatwirang bayan
(2015) Ramon G. Guillermo
65
Ang pilosopiya ng Pierre Bourdiue bilang batayang teoretikal sa araling Pilipino” (2014)
Feorillo Demeterio at Liane Liwanag
66
Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas
David Michael San Juan
67
Wika at relihiyon: Panimulang pag-aaral sa wika ng Iglesia ni Cristo (INC)”
Jovy M. Peregrino
68
Iba’t ibang larawan ng kababaihan sa mga piling nobela ni Lualhati Bautista”
Consuelo F. Valerio
69
Ang intelektwal na pamana ng mga pangunahing Pilipinong pilosoper sa kasaysayan ng pamimilosopiyang Filipino: Quito, Mercado, Hornedo, Timbreza, Abullad at Co
Emmanuel C. De Leon
70
paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiraan
Pananaliksik
71
ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligira
Ayon kay Neuman
72
Tumuklas ng mga bagong kaalaman na magagamit ng tao
Pangunahin / Sentral na Layunin ng Pananaliksik
73
Lumalawak at lumalalim ang kaniyang karanasan, hindi lamang sa partikular na pinagaaralan kundi sa lipunang konteksto ng kaniyang pananaliksik.
Pakinabang ng mananaliksik
74
Nagkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang kapwa at makita ang bisa ng pananaliksik upang mapabuti, hindi lamang ang kaniyang sarili, kundi maging ang iba.
Pakinabang ng mananaliksik
75
Mga Kasanayan sa Pananaliksik
Kognitibong pagbabasa Kognitibong pagsulat
76
Mga kasanayang kailangan upang maisagawa ang iba’t ibang yugto at proseso ng pananaliksik. Kailangan mahasa ang kasanayan upang maging matagumpay sa pananaliksik.
Mga Kasanayan sa Pananaliksik Kognitibong pagbabasa Kognitibong pagsulat
77
Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa? Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw? (Pagpili ng isang tiyak na tema, kalahok o populasyon ng pananaliksik, disenyo at pamamaraan ng pananaliksik) Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing paksa? (Luma man ang paksa maaari itong makapagbigay ng bagong tuklas na kaalaman) Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong? (Ang mga tanong ay kailangang hindi masasagot gamit ang mga search engines sa Internet)Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong? (Ang mga tanong ay kailangang hindi masasagot gamit ang mga search engines sa Internet)
78
Gabay sa Pagpili ng Sanggunian
Tiyaking ito ay akademikon mapagkakatiwalaan) Tukuyin ang uri ng sanggunian. (Artikulo sa Journal, aklat, online/website na mapagkakatiwalaan) Alamin kung primarya o sekondaryang sanggunian.
79
nagpapakita ng mga direkta at orihinal na ebidensya tulad ng kagamitan sa sining, talumpati, akademikong sulatin, resulta ng eksperimento, legal at historikal na dokumento.
primarya
80
mga artikulo sa journal at mga aklat at naglalahad ng sintesis ng iba’t ibang primaryang sanggunian.
sekondarya
81
tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.
paraphrase
82
isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang kumperensiya o anumang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan. Ito ay nakatutulong upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang kabuuang latag ng pananaliksik, kabilang ang mga layunin at kinalabasan nito. (presi o synopsis sa iba)
abstrak
83
ibang tawag sa abstrak
presi o synopsis
84
ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo at anyo ng pagkakasulat nito. Naglalaman din ang rebyu ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu.
rebyu
85
Hindi sa mismong pagsulat nagtatapos ang proseso ng pananaliksik. Hindi kompleto ang proseso kung wala ang pagbabahagi nito sa pamamagitan ng paglalathala at presentasyon. Ang pagbabahagi ng pananaliksik ay may dakilang layunin na pataasin ang antas ng kaalaman at kamalayan ng mga taong pinag-uukulan ng pananaliksik at upang ibalik sa mga mamamayan ang sistematikong kaalaman na nakuha mula sa kanila.
Presentasyon at Publikasyon ng Pananaliksik
86
tumutukoy sa paglalathala ng buod ng pananaliksik, pinaikling bersiyon, o isang bahagi nito sa pahayagan o pamahayagang pangkampus, conference proceeding, monograph, aklat o sa mga refereed research journal.
akademikong publikasyon
87
pamamaraan ng pagbabahagi ng pananaliksik sa mga lokal, pambansa at pandaigdigang kumperensiya.
presentasyon
88
proseso ng paglalathala ng Journal
…