問題一覧
1
nakasandig sa malapitan, personal na karanasan at posibleng partisipasyon, hindi lamang obserbasyon ng mga mananaliksik sa karaniwang nagsasagawa ng pag-aaral sa mga pangkat na multidisiplinari.
etnogropiya
2
Intensibo o marubdod na pag-aaral sa wika at kultura
pokus
3
Isang larangan o domeyn
pokus
4
Pagsasama-sama ng paraang historikal, obserbasyon, interbyu at pagtitipon ng dokumento tungo sa pagkakaroon ng datos (quotations or excerpts) sa paraang naratibo o pasalaysay
pokus
5
ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga makabuluhang pagmamasid ng mananaliksik sa mga pinapaksa ng pananaliksik, sa natural na kapaligiran o setting ng kaniyang buhay o trabaho.
pag-oobserba
6
isinasagawa nang mas matagal kumpara sa pag-oobserba, ang mananaliksik ay aktwal na “nakikiranas” sa pang-araw-araw na buhay ng mga taong kaniyang pinapaksa. Sa pamamagitan nito higit na makikita at mararamdaman ng mananaliksik ang sitwasyon ng kaniyang paksa.
Pakikipamuhay
7
isang uri ng etnograpiya na karaniwang ginagamit sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsisikhay o pagsisikap ng mananaliksik na makapasok at maging tanggap sa isang komunidad upang makapagtamasa ng mas komprehensibong pag-unawa sa lipunan/paraan ng pamumuhay ng nasabing komunidad.
Participant observation
8
Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad sa komunidad na kaniyang pinag-aaralan, kaya ang mananaliksik ay hindi lamang simpleng tagamasid o observer kundi isa ring aktibong kalahok o participant. Pinapasok o pinagdadaanan ng mismong mananaliksik ang papel o trabahong kaniyang pinag-aaralan.
Participant observation
9
isang bersyon ng participant observation. Ang pagyakap sa pag-uugali at paraan ng pamumuhay ng pinag-aaralang komunidad at ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip na nakahandang unawain ang komunidad na iyon.
Nakikiugaling pagmamasid
10
Ang pag-oobserba, pakikipamuhay, participant observation at nakikiugaling pagmamasid ay pawang mahahalagang pamamaraan sa panlipunang pananaliksik o pananaliksik na tumutugon sa pangangailangan ng lipunan.
true
11
malikhaing pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik. Karaniwang binibigyang-diin sa kuwentong-buhay ang pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang kaniyang mga hinaing, pangarap, suliranin, ang kaniyang pang-araw-araw na buhay na makabuluhan sa konteksto ng pananaliksik.
Kuwentong-buhay (life story)
12
tumutukoy sa pagtatanong sa mismong taong paksa ng pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito. Ito ay maaaring structured o non-structured.
pag-iinterbyu
13
kung ibinigay na kaagad ang mga tanong bago pa ang interview at halos walang follow-up na tanong sa mismong interview.
structured
14
kung higit na impormal at karaniwang maraming follow-up na tanong.
non-structured
15
katulad din ng pag-iinterbyu lamang ay dalawa o higit pa ang kinakapanayam. Isinasagawa ito upang maging magaan ang interbyu sapagkat karaniwang mas nakapagpapahayag ng saloobin ang mga tao kung may mga kasama sila mula sa kanilang pangkat at kagaya rin nila sa karanasan at iba pang aspekto.
focus group discussion (fgd)
16
ang dokumentasyon sa pamamagitan ng video ay isinasagawa sa pagrerekord ng mga imahe at tunog gamit ang video recorder. Karaniwang ginagamit ito sa pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan. Maaari itong lapatan ng pagsasalaysay o narration at ng musika. Pinakakaraniwang porma nito ang bidyong dokumentaryo o dokyu.
Video documentation
17
tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagtatala ng depinisyon ng mga termino alinsunod sa kontemporaryong gamit ng mga salita sa isang partikular na larangan.
Pagbubuo ng glosaryo/pananaliksik na leksikograpiko
18
pananaliksik na nakatuon sa pagtukoy ng mga sanhi at bunga ng isang pangyayari, penomenon, programa/ proyekto, patakaran at iba pa.
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga
19
tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagbubuo at balidasyon ng mga modyul at iba pang materyales na panturo na kaiba sa karaniwang umiiral o kaya’y nakaangkla sa panibagong pamamaraan o dulog (approach) sa pagtuturo
Pagbubuo at balidasyon ng materyales na panturo
20
tumutukoy ito sa pagsusuri sa kalakasan (strengths) at kahinaan (weaknesses) ng isang programa / plano, at mga oportunidad (opportunities) o bagay na makatutulong sa implementasyon at mga banta (threat) o bagay na maaaring makahadlang sa implementasyon ng programa / plano.
SWOT Analysis
21
ito ay tungkol sa pinagmulan ng mga salita, orihinal na konteksto at iba pang kaugnay na detalye na mahalaga sa pag-unawa sa kasalukuyang gamit at konteksto nito.
Pagsusuring Etimolohikal
22
pananaliksik na nakatuon sa paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng silid-aralan o kaya’y kaugnay ng proseso ng pagkatuto sa isang partikular na sitwasyon.
Action Research
23
isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan o questionnaire sa mga taong makapagbibigay ng saloobin, opinyon o impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik. Epektibo ito sa isang malaking pangkat na hindi magagawang kapanayamin sa pamamagitan ng FGD.
Pagsasagawa ng Sarbey
24
kung ang mga primaryang sanggunian gaya ng pahayagan, dokumentong historikal, mga talumpati, mga epiko, at iba pa ang pag-aaralan, tumutukoy ito sa paghihimay-himay sa nilalaman, konteksto at kabuluhan ng tekstong sinusuri.
Documentary o Text Analysis
25
ay isang uri ng etnograpiya na karaniwang ginagamit sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya.
participant observation