問題一覧
1
Ang tekstong _ ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
argumentatibo
2
Ang _ ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig.
proposisyon
3
Magiging mahirap ang pangangatuwiran kung hindi muna ito itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig.
proposisyon
4
Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.
Argumento
5
Isang nakahihiang pag-atake sa personal sa katangian/ katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan
Argumentum Ad Hominem
6
Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Juan sapagkat siya’y binabae
Argumentum Ad Hominem
7
Sa ingles, ang ibig sabihin nito ay It doesn’t follow. Isa sa maling pangangatwiran na nagbibigay ng kongklusyon sa kabila ng walang kaugnayang batayan
Non Sequitur
8
Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki; kung gayon, sila ay may higit na kadadating magreklamo sa trabaho
Non Sequitur
9
Karaniwang tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri ng maling pangangatwiran sapagkat mayroon ngang hambingan ngunit sumasala naman sa matinong kangklusyon
Maling paghahambing
10
Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin kumakain ng gulay
Maling paghahambing
11
Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon lamang at wala nang iba pang alternatibo
Dilemma
12
Alin sa dalawa ang mangyayari:ang pumatay o kaya ay mamatay
Dilemma
13
Paggamit ng pwersa o awtoridad
Argumentum Ad Baculum
14
Gawin na ninyo ang aking sinasabi. Ako yata ang pangulo at ako ang dapat masunod
Argumentum Ad Baculum
15
Pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran
Argumentum Ad Misericordiam
16
Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak
Argumentum Ad Misericordiam
17
Nagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi napatutunayan o kaya’y totoo ang anumang hindi napasisinungalingan
Argumentum Ad Ignorantiam
18
Ito ay isang ebidensiya at kailangan itong tanggapin dahil wala naming tumututol dito
Argumentum Ad Ignorantiam
19
Pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang dapat patotohanan
Ignoration Elenchi
20
Hindi siya ang nanggahasa sa dalaga, sa katunayay’y isa syang mabuting anak at mapatutunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan
Ignoration Elenchi
21
Pagbatay ng isang kangklusyon sa isa o ilang limitadong premis
Maling paglalahat
22
Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya’t masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas
Maling paglalahat
23
Paghambingan sumasala sa matinong kongklusyon
Maling Analohiya
24
mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasi’y mabenta naman ang kape kahit tag-init
Maling Analohiya
25
Paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling kongklusyon
Maling saligan
26
Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano dahil siya ay nasa California
Maling saligan
27
Paggamit ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isang paksa
Maling Awtoridad
28
Paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay sa isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon
Mapanlinlang na tanong
29
Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa
Mapanlinlang na tanong