暗記メーカー
ログイン
1
  • Gwenneth Dalawampu

  • 問題数 48 • 4/10/2024

    記憶度

    完璧

    7

    覚えた

    18

    うろ覚え

    0

    苦手

    0

    未解答

    0

    アカウント登録して、解答結果を保存しよう

    問題一覧

  • 1

    Ang pananaliksik ay malalimang pagtatalskayss issng tiyak st naiibang paksa. Hindi lamang ito basta pagsama-sama ng mga datos na pananalisik, kundi, taglay nito ang obhetibog interpretasyon ng manunukat sa mga impormasyong nakalap. Ang interpretasyong jto ay pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik.

    (Spalding 2015)

  • 2

    ang pananaliksik ay isang masusing pagsisisyasat at pagsusuri sa mga idea, konsepto, bagay, tao, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o oagsublian

    Constantiino at Zafra (2010)

  • 3

    Ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag aaral tungkol sa isang bagay, konseoto, kagawian, problema, isyu, o aspektong kultura at lipunan.

    Larte (2011)

  • 4

    May sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

    Sistematik

  • 5

    Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Sa madaling salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura sa pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalung-lalo na sa mga eksperimental na pananliksik.

    Kontrolado

  • 6

    Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Sa madaling salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura sa pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalung-lalo na sa mga eksperimental na pananliksik.

    Kontrolado

  • 7

    Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. Halimbawa, kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng silid, magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan na at na-verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon.

    Empirical

  • 8

    Sa pananaliksik, ang mga datos na naklap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalsan pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pangestadistika sapagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.

    Mapanuri

  • 9

    Sa pananaliksik, ang mga datos na naklap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalsan pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pangestadistika sapagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.

    Mapanuri

  • 10

    Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-hand.

    Orihinal na akda

  • 11

    Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Samakatuwid, lahat ng konklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya.

    Isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskribsyon

  • 12

    Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minamadali at ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat.

    Matiyaga at hindi minamadali

  • 13

    Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.

    Pinagsisikapan

  • 14

    kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding maasi siyang dumanas ng di-pagsng- ayon ng publiko at lipunan. Maaari ring magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik

    Nangangailangan ng tapang

  • 15

    Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pagsulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik (halimbawa: pamanahong-papel, tisis at disertasyon) para sa angkop o ang tinatawag na oral presentation o defense.

    Maingat na pagtatala at pag-uulat

  • 16

    Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kailangan ding gumamit ng mga navalideyt nang pamamamaraang pang-estaditika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.

    Objektiv, lohikal at walang pagkiling

  • 17

    KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al., 2011)

    BENEPISYONG EDUKASYONAL BENEPISYONG PROPESYONAL BENEPISYONG PERSONAL BENEPISYONG PAMBANSA BENEPISYONG PANGKAISIPAN

  • 18

    Sa GURO, upang magsilbing gabay ang natuklasan at nang sa gayon ay mapagtagumpayan niya ang epektibong pagtuturo sa kanyang mga mag-aaral. Sa mga MAG-AARAL, natututo sila sa mga isyu, metodolohiya at kaalaman sa napili nilang larangan.

    BENEPISYONG EDUKASYONAL

  • 19

    Ang mag-aaral ay nakapaggagalugad at nakapaghahanda para sa kanyang pinapasok na karera dahil sa nasasanay na siyang magbasa at mag-analisa ng mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa kanyang propesyon.

    BENEPISYONG PROPESYONAL

  • 20

    Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad ng isang mag-aaral ang kritikal at analitikal na pag-iisip na magbubunga ng kanyang pagiging matatag sa buhay. Nakakaya niyang tumayong magisa, at masanay na siya sa paghahanap ng mga datos bilang tugon sa paglutas ng mga suliranin at sa mga pagsubok sa buhay.

    BENEPISYONG PERSONAL

  • 21

    Sa pamamagitan ng pananaliksik, natatamo ang pag-unlad ng bansa at nakatutulong sa pagkakaroon ng matatag na lipunan tungo sa mabuting pamumuhay para sa lahat. Maging ang desisyon ng ating mga pinuno hinggil sa kapakanang pambansa ay batay sa resulta ng mga isinagawang pananaliksik

    BENEPISYONG PAMBANSA

  • 22

    Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang indibidwal at nahahasa ang kanyang kaisipan dahil sa natitipon niyang mga ideya at pananaw.

    BENEPISYONG PROPESYONAL

  • 23

    Maging matapat sa pag-uulat ng resulta ng mga datos o kinalabasan ng pananaliksik, metodo, pamamaraan, maging sa paglalathala

    KATAPATAN

  • 24

    Tingnan ang gawaing pananaliksik nang may pagpapahalaga sa katotohanan batay sa mga nakalap na datos. Ang pagiging obhektibo ay hindi pagtingin sa mga pansariling pananaw at emosyon. Ito ay mahalaga sapagkat ang pagiging obhektibo ng isang mananaliksik ay maaaring magbunga ng kawastuhan

    OBHEKTIBO

  • 25

    Ang paggawa ng pananaliksik ay may kaisipang tumulong sa kapwa tao, paggalugad ng katotohanan, at pagsagot sa mga katanungan upang maintindihan ang karunungang nais malaman.

    MAY INTEGRIDAD

  • 26

    Ang pagiging masinop sa mga tala o records na gagamitin sa iyong pananaliksik, halimbawa ay ang pagtatago ng mga datos, disenyo ng pananaliksik at maging ang mga liham na ginamit para sa komunikasyon ay makatutulong sa isang mananaliksik upang maging kumpleto ang kanyang pagsasaliksik.

    PAGIGING MAINGAT

  • 27

    Kailangan maging bukas ang mananaliksik sa pagbabahagi ng mga datos, resulta, ideya, kagamitan o batis na pinagmulan ng kanyang mga nasaliksik. Dahil dito, makikita na ang mananaliksik ay hindi nagtatago ng kahit anupamang bagay.

    PAGIGING BUKAS O OPENNESS

  • 28

    Karapat-dapat lamang na bigyang -respeto ang unang nakaisip ng ideya, disenyo, pamamaraan o metodo ng pananaliksik na ginamit sa papel. Ito ay magsisilbing batis na pinagmulan ng mga ideya. Kapag ito ay hindi nasunod, maaaring makasuhan ang nagnakaw ng ideya.

    PAGGALANG SA INTELEKTUWAL NA KAKANYAHAN O INTELLECTUAL PROPERTY

  • 29

    Ito ay ang proteksyon sa mga pinagkukunan ng mga datos, batis ng mga sanggunian, mga liham na pangkomunikasyon na ginamit, mga tala o records, at mga impormasyon ng mga indibidwal na nakalap sa iba’t ibang institusyon lalong- lalo na sa mga respondente. Kailangan na ang mga ito ay maprotektahan sapagkat nakaakibat dito ang mga impormasyong mahahalaga. Ito rin ay nakaakibat sa Data Privacy Act ng 2012.

    KOMPIDENSIYALIDAD

  • 30

    Ginagamit ang pananaliksik para isulong ang higit na kabutihan para sa lahat na magbubunga ng pagbabagong makabuluhan, at upang makatulong sa kapwa at sa buong lipunan.

    MAY GAMPANING SOSYAL

  • 31

    Ang pananaliksik ay hindi ginagawa upang magbunga ng diskriminasyon sa kapwa. Kailangang ituring na magkakapantaypantay ang mga tao.

    HUWAG MAGDISKRIMINA

  • 32

    Isa sa mga etikang kailangan taglayin ng isang mananaliksik ay ang pagpapanatili ng pagiging propesyonal at pagpapakita ng kagalingan sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral. Dahil hindi natatapos ang gawain ng isang mananaliksik sa oras na ang kanyang gawa ay malathala na, kailangan pa din na taglayin ng isang mananaliksik ang pagiging propesyonal nito.

    MAY KAGALINGAN AT PAGIGING PROPESYONAL

  • 33

    Hindi lamang dapat mga datos ang pinoprotektahan ng isang mananaliksik, kailangan din niyang bigyang -halaga ang pagbibigay proteksyon sa damdamin at kaisipan ng mga taong kabilang sa pananaliksik. Kasama na rin dito ay ang kalagayang panlipunan. Dapat din itong bigyan ng pansin upang maiwasang makasakit sa pagkatao ng iba.

    BIGYANG PROTEKSYON ANG PAGKATAO

  • 34

    Kinakailangang masigasig na makakuha ng impormasyon ang isang mananaliksik. Subalit, parte nito ay ang pagiging marespeto at handang magtanong kaugnay ng paksang nais saliksikin. Ito ay pagpapakita rin ng pagiging mapanuri sa isang bagay lalo’t higit ang mga paksang nais hanapin at pag-aralan

    MAGING MAPANURI

  • 35

    Ang isang mananaliksik ay lagi nang may pag-aagam-agam sa kinalabasan ng kanyang pagsusuri at pagsisiyasat. Hindi dahil sa wala siyang tiwala sa kanyang ginawa, subalit ito ay pagbibigay pa ng oportunidad para sa may malalim na mga pananaliksik.

    PAMUMUNANG MAPAGBUO

  • 36

    Ang kuwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon.

    KUWANTITATIBO

  • 37

    Ang kuwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri na pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag- uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang reyalidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat

    KUWALITATIBO

  • 38

    Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Hindi ito makatutugon sa mga tanong na “bakit” sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap

    DESKRIPTIBO

  • 39

    Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paanong ebalwasyon kung nakakamit ba o hindi ang ideyal na awtput.

    DISENYONG ACTION RESEARCH

  • 40

    Angkop na gamitin ang Action Research sa larangan ng edukasyon upang mapabuti ang mga programa o pamamaraan sa pagtuturo. Makabuluhan ito upang paghusayin pa ang nakasanayang praktika at baguhin kung may kahinaan o pagkukulang.

    DISENYONG ACTION RESEARCH

  • 41

    Batay sa mga datos at ebidensya, pinalalim ang pag- unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay, at ang pinagdaanang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan.

    HISTORIKAL

  • 42

    Ang mga pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral.

    PAG-AARAL NG ISANG KASO/KARANASAN (CASE STUDY)

  • 43

    Mahusay ang disenyong ito upang ipaunawa ang isang masalimuot na paksa sa pamamagitan ng detalyadong pagsusuri ng konteksto ng mga pangyayari at ugnayan ng mga ito. Hindi lamang limitado sa pag-aaral ng indibidwal ang uri ng pananaliksik na ito, kundi maaari ding maging pokus ang mga komunidad, institusyon at organisasyon.

    PAG-AARAL NG ISANG KASO/KARANASAN (CASE STUDY)

  • 44

    Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari at iba pa. Madalas na gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong uri ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura at institusyon.

    KOMPARATIBONG PANANALIKSIK

  • 45

    Gayunpaman, naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan. Madalas na bahagi ng rekomendasyon ng ganitong pananaliksik ang proyekto o pagpaplano upang makasapat o makasunod sa hinihinging batayan ng sinomang kalahok sa pananaliksik

    PAMAMARAANG NAKABATAY SA PAMANTAYAN (NORMATIVE STUDIES)

  • 46

    Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.

    ETNOGRAPIKONG PAG-AARAL

  • 47

    Nangangailangan ito ng field study na isang pamamaraan ng pagtatala ng mga datos at pangyayari sa pamamagitan ng mga pandama (pagmamasid, pang-amoy, pandinig, o panlasa). Binibigyang- diin sa obserbasyon ang lunan o setting (para sa konteksto), mga gawain at kilos ng mga kasangkot, impormal na interaksiyon, hindi nakaplanong gawain, berbal at di-berbal na komunikasyon at iba’t-ibang proseso.

    ETNOGRAPIKONG PAG-AARAL

  • 48

    kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay upang magkaroon pa ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaaring magbigay daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik. Layunin nitong makapaglatag ng mga bagong ideya at palagay o kaya ay makabuo ng mga tentatibong teorya o haypotesis tungo sa mas malalim na pagkaunawa sa paksa.

    DISENYONG EKSPLORATORI