問題一覧
1
ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t ibang magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon.
Anderson et al.(1985) sa aklat na Becoming a Nation na sinipi naman sa aklat ni Sicat et al.(2016)
2
kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan.
Intensibong pagbasa
3
may layuning makuha ang “gist” o pinakaesensiya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuonan ng pansin na maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teskto at hindi ang mga ispesipikong detalye na nakapaloob dito.
Ekstensibong pagbasa
4
ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maaari rin itong ikategorya bilang kakayahan sa pagbasa.
Scanning at Skimming
5
Ayon kay Brown(1994) sa aklat ni Sicat et al.(2016), ang dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa.
Scanning at Skimming
6
ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay upang hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago magbasa.
Scanning
7
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
Scanning
8
naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay upang alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuoang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
Skimming
9
Antas ng Pagbasa
Primarya Mapagsiyasat Analitikal Sintopikal
10
Ito ay antas ng pagbasa na tumutukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting o lugar at mga tauhan sa isang teksto.
Primarya
11
Sa antas na ito,nauunawaan ng mambabasa ang kabuoang teksto at nagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito.
Mapagsiyasat
12
Nagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto nang mas malalim.
Mapagsiyasat
13
Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.
Analitikal
14
Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
Analitikal
15
Tumutukoy ito sa pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay.
Sintopikal
16
Nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na paksa
Sintopikal
17
Ayon kay _, may iba’t ibang kasanayan na dapat paunlarin sa bawat bahagi ng proseso ng pagbasa
Sicat et al.(2016)
18
Sinisimulan sa pagsisiyasat ang tekstong babasahin upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa genre ng teksto.
BAGO MAGBASA
19
Kinakapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
BAGO MAGBASA
20
Sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto
HABANG NAGBABASA
21
May mga prediksiyon bago magbasa ang pinanghahawakan upang panatilihin ang pokus sa aktibong pang-unawa sa binasa.
HABANG NAGBABASA
22
Kabilang sa mga pamamaraan upang maging epektibo ang pagbabasa ay ang pagtantiya sa bilis ng pagbasa, biswalisasyon ng binasa, pagbuo ng koneksyon, paghihinuha, pagsubaybay sa komprehensiyon, muling pagbasa, at pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.
HABANG NAGBABASA
23
Sa kasanayang ito maisasagawa ng isang mambabasa ang pagtatasa ng komprehensiyon, pagbubuod, pagbuo ng sintesis at ebalwasyon upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto
PAGKATAPOS MAGBASA
24
Ayon kay _, ang pagtukoy sa opinyon o katotohanan ng isang pahayag ay mahalagang kasanayan ng isang mambabasa.
Sicat et.al(2016)
25
ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng mga emperikal na karanasan, pananaliksik o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
Katotohanan
26
Ayon sa kagawaran ng kalusugan labis ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa mga nakabinbin o huling pagdating ng resulta nito
Katotohanan
27
ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Ginagamitan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko”, “para sa akin”, “gusto ko” o “sa tingin ko”.
Opinyon
28
Sa tingin ko, malalampasan natin ang pandemya kung magkakaroon ng pansariling disiplina ang bawat Pilipino.
Opinyon
29
naman ay ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto.
Damdamin
30
Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala at paninindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa
Damdamin
31
na ipinahahayag ng teksto, hindi naiiwasan na ito ang nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito.
Damdamin
32
pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto
Pananaw
33
natutukoy rito kung ano ang distansya niya sa tiyak na paksang tinatalakay.
Pananaw
34
Ito ay tinatawag ding ekspositori, isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Impormatibo
35
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng ano mang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.
Impormatibo
36
Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa
Deskriptibo
37
Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Sa isang tekstong deskriptibo, pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar kung saan nangyayari ang kuwento. Ipinakikilala nito ang hitsura, ugali, at disposisyon ng mga tauhan.
Deskriptibo
38
Kumakatawan sa Mutya ng Pasig ang mga kababaihan, ang idealismo ng pagkaperpekto sa lahat ng aspekto na ehemplo ng katapatan, tapat na kalooban at kagandahan ng Lungsod ng Pasig.
Deskriptibo
39
Isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura atc pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik
Argumentatibo
40
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng buhay ng isang tao bilang bahagi ng lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa paaralan.
Argumentatibo
41
Ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
Prosidyural
42
Ito ay upang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.
Naratibo
43
Ito ay isang uri ng di-piksiyon na pasulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
Persweysib
44
Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat
Persweysib
45
Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal na at walang batayang opinyon ang isang manunulat.
Persweysib
46
Sa halip ay gumagamit ang manunulat ng mga patunay mula sa batayang ito upang mapaniwala ang mga mambabasa sa talas at katumpakan ng panghihikayat ng manunulat.
Persweysib
47
Ang tekstong _ ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay)
naratibo
48
tinatawag ding ekspositori. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay impormasyon. At sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, saan, kailan, sino at paano.
Tekstong Impormatibo
49
Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Kaiba sa piksyon, naglalahad ito ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari.
Tekstong Impormatibo
50
Dahil sa kagandahan ng Pilipinas, lumilitaw ang pag-usbong ng turismo sa bansa. Dumarami ang mga turistang bumibisita rito.
Tekstong Impormatibo
51
ay aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na kinasusulatan ng mga oras sa iba't ibang mga pangyayari at katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, pagtaas at pagbaba ng tubig, at iba pa.
almanac
52
Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo
Layunin ng may akda Pangunahing Ideya Pantulong Kaisipan Mga Estilo
53
nilalahad dito ang pangunahing ideya sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat
Layunin ng May-akda
54
dito dagling inilalahad ang pangunahing ideya sa tekstong impormatibo. Ginagamit nito ang organizational markers upang makita at mabasa agad ng mambabasa ang pangunahing ideya
Pangunahing Ideya
55
nakatutulong na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideya
Pantulong na Kaisipan
56
paggamit ng larawan, diagramo chart
Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
57
pag-bold ng letra, gawing italic o ang paglalagay ng guhit sa mga salita. Upang mabigyang-diin ang mahahalagang salita.
Pagbibigay-diin sa mga mahahalagang salita
58
paglalagay ng credits upang mapatunayan na totoo ang isang impormasyon (Bibliography)
Pagsusulat ng mga Talasanggunian
59
Nagpapakita ito ng direktang relasyon sa pagitan ng bakit nangyari ang pangyayari (sanhi) at kung ano ang naging resulta nito (bunga).
SANHI AT BUNGA
60
ito naman ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit anong bagay, konsepto, at maging pangyayari.
PAGHAHAMBING
61
ipinaliliwanag ng manunulat ang kahulugan ng isang salita, terminolohiya, o konsepto.
PAGBIBIGAY NG DEPINISYON
62
sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay hinahati sa iba’t ibang kategorya upang magkaroon ng sistema ang talakayan. Ang manunulat ay nag-uumpisa sa paglalahad ng kahulugan ng paksa sa pangkalahatan, pagkatapos ay hahatiin ito batay sa uri o klasipikasyon nito.
PAGBIBIGAY NG DEPINISYON
63
Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa.
Tekstong Deskriptibo
64
Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Sa isang tekstong deskriptibo, pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar kung saan nangyayari ang kuwento.
Tekstong Deskriptibo
65
Ipinakikilala nito ang hitsura, ugali, at disposisyon ng mga tauhan.
Tekstong Deskriptibo
66
direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di mapasusublian
Obhetibo
67
kinapapalooban ng matatalinhagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsyon kung ano ang nararamdaman ng manunulat
Subhetibo
68
Ang tekstong _ ay ang tekstong naglalayong makapangumbisi o makapanghikayat sa tagapakinig, manonood o mambabasa.
persweysiv (persuweysib)
69
Ito rin ay pagbibigay ng opinyon ng may-akda o nagsasalita upang mahikayat ang kanilang kausap. Ang tono ng tekstong ito ay subhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ideya.
persweysiv (persuweysib)
70
Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.
Ethos
71
nito ay malaki ang paniniwala natin partikular na sa mga sangguniang aklat na ating binabasa gawa ng karaniwang sumusulat nito ay mga eksperto sa larang na kanilang isinusulat.
Ethos
72
Paggamit ng emosyon ng mambabasa
Pathos
73
nito ay ang madali tayong nadadala ng wattpad o mga kuwentong ating nababasa gawa ng napupukaw ng manunulat ang ating damdamin at napaniniwala tayo karaniwan sa desisyong ginagawa ng mga pangunahing tauhan gawa ng mga sitwasyon at damdaming kanyang kinaharap.
Pathos
74
Paggamit ng lohika at impormasyon
Logos
75
nito ay ang editoryal na ating binabasa. Malalim tayong pinag-iisip ng manunulat gamit ang ating lohika at paniniwala sa tama o mali kaya sa huli ay nakapagdedesisyon tayo sa kung ano ang ating papanigan sa isang particular na isyu.
Logos
76
ito ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay.
NAME CALLING
77
nito ay ang pagsisiraan ng mga kandidato kapag eleksyon.
NAME CALLING
78
Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakasisilaw at mga mabubulaklak na salita o pahayag.
GLITTERING GENERALITIES
79
nito sa karaniwang sitwasyon sa networking na estilo.
GLITTERING GENERALITIES
80
Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
TRANSFER
81
gamit ang kasikatan ng isang personalidad, maaaring artista, sikat na politiko o manlalaro partikular na sa basketbol ay hihikayatin ka nilang bilhin ang isang produkto na tila maaari mo silang maging kasingguwapo o ganda o kasingtangkad o kasinggaling sa paglalaro o ano pa man kaya bibili at bibili ka ng kanilang produktong ginagamit.
TRANSFER
82
Ito ang propaganda device kung saan tuwirang ineendorso o pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto gamit ang kunwaring o totoong karanasan nila sa paggamit ng produkto.
TESTIMONIAL
83
Magandang halimbawa nito ay sikat ngayon sa social media ang bahagi ng katawan ng isang tao ng maaaring dati ay matighiyawat at ngayon ay makinis na.
TESTIMONIAL
84
Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng paglalagay nila ng kanilang sarili sa yapak ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan
PLAIN FOLKS
85
sa pamamagitan ng bilang o dami ng taong tumatangkilik o boboto marahil gawa ng sarbey o pinag-uusapan ang produktong ito o kandidato ay nahihikayat ang masa na sumakay na lang at iyon na rin ang iboto. Kasi nga, may malaking tsansa ng pagwawagi. Lalo’t mahilig ang masa sa pagkapanalo o winnability.
BANDWAGON
86
maaaring ang isang politiko ang magkomisyon ng isang “pinagkakatiwalaang” kompanya ng nagsasarbey na kunwari’y patas pero ang totoo ay hinuhulma lang ang isipan ng publiko na may napakalaking tsansa o winnability ang politiko na manalo.
BANDWAGON
87
pagsasabi ng puna na pawang magaganda lamang c sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito .
CARD STACKING
88
Halimbawa ang pagkain ng noodles bilang bahagi ng hapagkainan ng bawat pamilyang Pilipino at mga bitaminang makukuha rito. Pinapakita rito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
CARD STACKING
89
pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan
PAKSA
90
kailangang malinaw at lohikal ang kabuoang estruktura ng kwento
ESTRUKTURA
91
nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan , lunan o setting at oras o panahon kung kailan nangyari ang kwento
ORYENTASYON
92
kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood
PAMAMARAAN NG NARASYON
93
karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan
KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN
94
Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian
RESOLUSYON
95
sa halip na direktang pagsasalaysay , gumagamit ng pag-uusap ang mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari
DIYALOGO
96
nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
FORESHADOWING
97
tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng isang kwento
PLOT TWIST
98
omisyon o pag aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala
ELLIPSIS