問題一覧
1
Anumang uri ng sulating mababasa ninuman
Teksto
2
Layunin ng teksto:
Magpapabatid, Magkuwento, Maglarawan, Mangangatwiran
3
Uri ng babasahing di-piksyon
Tekstong impormatibo
4
Layuning magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng malinaw
Tekstong impormatibo
5
Hindi nakabase sa kanyang pabor o pagkontra sa paksa
Tekstong impormatibo
6
Malawak ang kaalaman ng may akda nito kaya may pananaliksik ito
Tekstong impormatibo
7
Impormasyong nakukuha mula sa tekstong impormatibo
Impormasyong hango sa isang sangguniang nasaliksik, Impormasyong natuklasan buhat sa tekstong binabasa, Impormasyong nauugnay sa isang realidad na naging impormatibo, Impormasyong bago buhat sa mas malalim pang pananaliksik ng sumulat
8
Itinuturing itong bagong kaalaman o dati na nakakatulong upang masuportahan ang ginawang pananaliksik
Impormasyong hango sa isang sangguniang nasaliksik
9
Pagtalakay ng mga paksa sa isang teksto at malaon ay natutuklasan at nagagamit sa iba pang pamamaraan ng pagsulat
Impormasyong natuklasan buhat sa tekstong binabasa
10
May mga impormasyong nahahango sa isang teksto at nauugnay sa kasalukuyan na malaon ay nagagamit sa realidad
Impormasyong nauugnay sa isang realidad na naging impormatibo
11
Pagbabasa at lubos na pananaliksik ang pagtuklas ng nga kaalamang buhat sa kakayahan ng isang manunulat
Impormasyong bago buhat sa mas malalim pang pananaliksik ng sumulat
12
Mga bahagi ng tekstong impormatibo
Panimula, Pamungad na pagtatalakay sa paksa, Graphical representation, Aktuwal na pagtalakay sa paksa, Mahahalagang datos, Pagbanggit sa mga sangguniang gamit, Paglagom, Pagsulat ng sanggunian
13
Background; hudyat ng pagpapakilala sa paksa (datos/history)
Panimula
14
Buwelo ng pagtalakay sa paksa
Pamungad na pagtalakay sa paksa
15
Karugtong ng panimula hanggang sa unti unti nang nasisimulan ang paghahain ng mahahalagang datos mayroon sa isang tekstong impormatibo
Pamungad na pagtalakay sa paksa
16
Mas mainam na maintindihan ang isang pagtatalakay ng kahit na anong paksa kung lalagyan nito
Graphical representation
17
Graphical representation, maaaring gamitan ng:
Matrix, Mapa, Kolum, Graph
18
Dito nabubuo ang komprehensibong pagtalakay sa paksa
Aktuwal na pagtalakay sa paksa
19
Karaniwan sa mga paksa, nangangailangan ng sanggunian upang masabing may sapat itong bias upang maging batayan sa pagbuo ng isang pananaliksik
Aktuwal na pagtalakay sa paksa
20
Ito ang nagpapatunay hinggil sa kaayusan at kabuluhan ng teksto bilang isa sa mga pangunahing batayan ng isinasagawang pananaliksik
Mahahalagang datos
21
Bahagi ng etika ng pagsusulat, lalo't higit sa larangan ng pananaliksik
Pagbanggit sa mga sangguniang ginamit
22
May mga format o anyong dapat sundin bilang pagsasaalang-alang sa mga taong sumulat at nakapag-isip ng mga ideyang ginamit sa particular na teksto
Pagbanggit sa mga sangguniang ginamit
23
Upang magkaroon ng sapat na pagkapit o pagkakaayon (consistency) sa isinasagawang pagtatalakay, marapat na magkaroon ng paglalagom sa isang tekstong impormatibo
Paglalagom
24
Sa bahaging ito, inililista o isinusulat ang lahat ng pinagsanggunian nang kompleto at buo ayon sa pagkakagamit nito sa loob ng teksto
Pagsulat ng sanggunian
25
Paraan ng pagpapahayag ng impormasyon sa tekstong impormatibo
Pagbibigay depinisyon ng mga salitang bago sa mambabasa, Pagbibigay-diin sa ilang salita upang makita ito ng mabilis, Paglalagay ng talaan ng nilalaman, glosari, at indeks, Paggamit ng grapikong pantulong, ilustrasyon, tsart, at larawan, Mahalagang ideya, Nagiging mabisa ang tekstong impormatibo
26
Mga uri ng tekstong impormatibo
Sanhi at bunga, Paghahambing, Pagbibigay depinisyon, Paglilista ng klasipikasyon
27
Pagkakaugnay ugnay ng mga pangyayari at kung paano ang kinalabasan at nagiging resulta ng mga naunang pangyayari
Sanhi at bunga
28
Nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad sa mga bagay
Paghahambing
29
Pagpapaliwanag ng kahulugan ng isang termino, salita, o konsepto
Pagbibigay depinisyon
30
Paghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya ng iba't ibang grupo at kategorya
Paglilista ng klasipikasyon
31
Pagpapahayag ng mga impresyon at kakintalang likha ng pandama
Tekstong deskriptibo
32
Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, at pansalat, itinatala ng sumusulat ng paglalarawan ng mga detalye ng kaniyang nararanasan
Tekstong deskriptibo
33
2 paraan ng paglalarawan
Karaniwan, Masining
34
Nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas
Karaniwan
35
Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama
Karaniwan
36
Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular na detalye sa payak na paraan
Karaniwan
37
Ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda
Masining
38
Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma
Masining
39
Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imahinasyon, pananaw, at opinyong pansariling tagapagsalaysay
Masining
40
May layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan
Masining
41
Mga ideyang maaaring pangunahing paksa upang makabuo ng isang makabuluhan at epektibong deskriptibo o paglalarawang teksto
Sa tao, Sa bagay, Sa lugar, Sa mga ideya o konsepto
42
Pamamaraan ng pagsulat ng tekstong deskriptibo
Idyoma, Tayutay
43
Isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ng mga kaniya kaniyang salita na nabuo
Idyoma
44
Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar
Idyoma
45
Ito ay pahayag o salita na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin
Tayutay
46
Ang tayutay ay gumagamit din ng ________ na pananalita upang maging mabisa ang ibig sabihin ng pahayag
Di-literal
47
Sinasadya ng pagpapahayag ng tayutay na gumamit ng _______ o di-karaniwang salita upang bigyang diin ang saloobin ng naghahayag
Talinghaga
48
Tayutay
Pagtutulad o simile, Pagsasatao o personification, Pagmamalabis o hyperbole, Paghihimig o onomatopeya, Pagtawag o apostrophe
49
Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay at ginagamitan ng mga pangtanig tulad ng magkasing, tila, at mistulang
Pagtutulad o simile
50
Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa
Pagsasatao o personification
51
Ito ay lagpalagpadang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin, at iba pang katangian, kalagayan, o kalayyan
Pagmamalabis o hyperbole
52
Ito ang mga paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay isang kahulugan
Paghihimig o onomatopeya
53
Isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao
Pagtawag o apostrophe