問題一覧
1
Ayon kay Belvez (1987), ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa.Ayon kay Belvez (1987), ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa.
Pagbasa
2
Ang mga mambabasa ay higit na umaasa sa mga impormasyong nasa teksto. Ang "Ibaba" ay tumutukoy sa teksto o nilalaman, at ang "pataas" ay tumutukoy sa mambabasa.
Teoryang Bottom-up
3
ang utak ng tao ay walang alam kung kaya't may posibilidad na ang impormasyon ay nagmumula sa teskto.
Tabularasa
4
Ito ay teoryang taliwas at kabaliktaran ng konseptong bottom-up, dito ang impormasyon ay nagmumula sa utak ng mambabasa patungo sa teksto.
Teoryang Top-down
5
Ang pag-unawa sa pagbasa ay gumagalaw sa dalawang direksyon sa prosesong ito: Ibaba-Itaas, at Itaas-Pababa. Ang proseso ng interactive ay nangyayari sa dalawang paraan. Kombinasyon ng teoryang bottom up at top down. Ibigsabihin pagtayo ay nagbabasa malamang ginagamit ng mambabasa ang kanyang kaalaman at ideya sa proseso ng comprehension at syempre hindi nagiging makatuwian ito kung walang tekstong babasahin kung kaya't pinapakita din nito na may koneksyon ang utak at teksto.
Teoryang interaktibo
6
Ayon sa teoryang ito, ang lahat ng mga bagong kaalaman na natipon sa pamamagitan ng pagbabasa ay idinadagdag sa naunang iskema. Ang iskema na ito ay kumakatawan sa kaalamang natatago.
Teoryang iskema
7
Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit titingnan ang mga pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong binabasa.
Skimming
8
Masinsinang Pagbasa upang mahanap ang mahalagang impormasyon sa teksto. Binibigyang diin dito ang mga mahahalagang salita. Paghahanap ng mga susing salita o key words. Bilis at talas ng mata sa paghahanap para makita ang kailangan sa tekasto. Kung dapat alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan o tiyak na sipi na makakatulong sayo. Scanning ang angkop na pagbasa.
Scanning
9
Karaniwang hinahati ang klase sa maliit na grupo. Isinasagawa kapag nais mabigyan ng linaw ang isyu, sitwasyon, suliranin. Malayang nakukuha ng guro ang mungkahi, damdamin, ideya o concensus ng mga kasapi sa talakayan. Dahil dito ay nagkakaroon ng palitan ng ideya ang bawat miyembro ng grupo.
Brainstorming
10
Naglalaan ng mga katanungan para sa mas malalimang pagkakaintindi sa teksto. Ito ay ang pagsasaad ng tanong tungkol sa nilalaman ng teskto. Pagtatanong sa sarili habang nagbabasa. - Pagsagot sa tanong pagkatapos magbasa.
Questioning
11
Nag umpisa sa nabuong outline kung saan ito ay ang buod ng buong argumento ng teksto sa pinaikling babasahin. Ito ay naglalaman ng mga mahahalagang detalye.
Summarizing
12
Isang uri ng babasahing di-piksyon. Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Sinasabing 'objective' ang mga tekstong impormatibo, dahil walang halong anumang opinyon ang pagsasalaysay nito. Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano.
Tekstong impormatibo
13
Inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahin o pagkakataon.
Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan
14
Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, at iba bang bagay na nabubuhay at di nabubuhay,gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Pag-uulat pang-impormasyon
15
Nagbibigay paliwanag kung paanoo bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Pagpapaliwanag
16
Uri ng tekstong naglalarawan. Ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kaugnayan sa katangian ng mga tao, hayop, bagay, lugar, at mga pangyayari.
Tekstong deskriptibo
17
direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di mapapasusubalian.
Obhetibo
18
kinapapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.
Subhetibo
19
Ito ay naglalayong magbigay ng paglalarawang detalyado at gumagamit ng mga eksaktong salita sa pagbibigay ng katangian.
Deskriptibong teknikal
20
Ito naman ay uri ng paglalarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyong pangkalahatan at maraming tao o bagay ang nagtataglay ng ganoong katangian.
Deskriptibong karaniwan
21
Ito ay pagbibigay ng paglalarawan sa pamamagitan ng pansariling pananaw, opinyon, o saloobin sa isang tao. Ito ay karaniwang iba sa kaniyang kapuwa at hindi itinuturing na lubhang totoo dahil ito ay subhektibong pananaw lamang.
Tekstong impresyonistiko
22
isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa mg tunston it ay sasanagia. ng layunin opinyong kailangang mapanindigan at Totoong adios ua tug makumbinsi ang may at mambabasa na pumanig sa manunulat.
Tekstong persuweysib
23
Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggali upang hindi tangkilikin
Name calling
24
ito naman ang tinatawag nating mga magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Glittering generalities
25
Ito ay paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.Ito ay paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
Transfer
26
Ito naman ay kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nagendorso ng isang tao o produkto.
Testimonial
27
ito ay ang mga kilala o tanyag na tao ay pinapalabas na ordinaryong tao na nanghihikayat sa produkto o serbisyo.
Plain folks
28
Dito ay ipinakikita ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magagandang katangian
Card stacking
29
Hinihimok dito ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na
Bandwagon
30
Tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat
Ethos
31
-gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa
Pathos
32
Tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa
Logos
33
mahalaga ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang pagkakabuo ng kwento upang maging epektibo ang paglalahad at maiparating nang malinaw ang layunin nito sa mambabasa.
Tekstong naratibo
34
sa bawat tekstong naratibo makikita ang mga tauhan na naglalarawan ng kwento.
Tauhan
35
-tagapagsalaysay ang maglalarawan at magpapakilala sa pagkatao ng tauhan.
Expository
36
-ito ay nangyayari dahil sa kilos o pagpapahayag ng tauhan mismo.
Dramatiko
37
Ayon kay _______ may dalawang uri ng tauhan
E.M forster
38
-Ang isang tauhan na may multidimensyonal o maraming aaklaw na personalidad ay nagbabago ng kanyang pananaw at katangian. (May pagbabago)
Tauhang bilog (round character)
39
-Ang tauhang lapad ay nagtataglay ng lisang o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable
Tauhang lapad (flat character)
40
ay hindi lamang tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa tekstong naratibo, kundi pati na rin sa panahon tulad ng oras, petsa, at taon, at sa damdaming umiiral sa kapaligiran noong naganap ang mga pangyayari.
Tagpuan at panahon
41
-may maayos na daloy o pagkakasunod sunod ng pangyayari
Banghay
42
hindi tamang pagsasaayos ng isang kwento.
Anarchrony
43
-naganap na nakalipas upang bigyang linaw ang kasalukuyang pangyayari
Analepsis
44
-ito naman ay ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap, na may kaugnayan sa kasalukuyang pangyayari sa
Prolepsis
45
-May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
Ellipsis
46
-Ang sentral na ideya sa isang tekstong naratibo ay ang pangunahing konsepto o tema kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento.
Paksa o tema
47
Sa pagtatapos ng ating talakayan tungkol sa tekstong naratibo, nawa'y naunawaan natin ang kahalagahan ng naratibo sa pagbuo ng mga kuwento at paglalahad ng karanasan.
Konklusyon
48
sa halip na direktang pasalaysay, gumagamit ito ng pag uusap ng nga tao.
Diyalogo
49
nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kwento.
Foreshadowing
50
tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalabasan ng kwento
Plot twist
51
omisyon o pag alis ng ilang yugto ng kwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibo
Ellipsis
52
isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay linaw sa kuwento.
Comic book death
53
nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
Reverse chronology
54
nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kwento. Kadalasang ipinakilala sa pamamagitan ng flashback.
In medias res
55
Pagbabago ng kahihinatnan ng kwento at pagresolba ng biglaang suliraning walang solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay at pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang bahagi ng kwento.
Dues ex machina