記憶度
3問
10問
0問
0問
0問
アカウント登録して、解答結果を保存しよう
問題一覧
1
______________ ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.
Panunuring Pampanitikan
2
Dalawang Uri ng Panunuring Pampanitikan
Pagdulog at Pananalig
3
Pagdulog pinagtutuunan ng pansin ang mga istraktura o pagkabuo
Pormalistiko
4
Pagdulog pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda
Moralistiko
5
Pagdulog antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayanng may akda
Sikolohikal
6
Pagdulog ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda
Sosyolohikal
7
Pananalig layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Klasisismo
8
Pananalig Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas; pagtakas mula sa realidad o katotohanan.
Romantisismo
9
Pananalig isang pilosopikal na pananaw ayon sa kung saan ang lahat ng bagay ay nagmumula sa mga likas na katangian at mga sanhi, at ang espirituwal na paliwanag ay hindi kasama
Naturalismo
10
Pananalig isang teorya at kasanayan sa panitikan na nagbibigay-diin sa mga agarang aspeto ng mga bagay o mga aksyon na di binigyang pansin sa mga detalye.
Impresyunalismo
11
Pananalig pagbabago at pagaiba ng mga bagay o mga kaganapan upang kumatawan ito sa pananaw ng karakter ng isang panitikan
Ekspresyunalismo
12
Pananalig paggamit ng mga simbolo upang magpahiwatig ng mga ideya at mga katangian
Simbolismo
13
Pananalig binibigyang-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan; ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sagayon ay hindi maikahon sa lipunan
Eksistensiyalismo
14
Pananalig pagkilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Peminismo
15
Basahing Mabuti ang tema, pokus o paksa ng sanaysay. Ito ba ay tungkol sa iyong sarili, opinion o puna, isang paglalarawan, reaksyon sa isang nabasa, o iba pa.
Tema
16
Ang _________ ay nararapat na may kinalaman sa tema ng isinusulat. Hindi dapat napakahaba; iwasan ang pamagat na patanong at kailangang nakakapukaw ng kalooban.
Pamagat
17
Isang punto o diwa, isang talata. Huwag pagsama-samahin sa isang talata ang magkakaibang kaipin o diwa. Nararapat na magkakaugnay ang bawat talata sa isang sanaysay. Iwasan ang masyadong mahabang talata na pauli-ilit ang inilalahad.
Talata
18
Ang sanaysay ay may panimulang talata, katawan at wakas o konklusyon. Sa katawan, ng sanaysay ipinahihiwatig ang pinakapunto ng sanaysay, ang maliliit na detalye ng punto at ang paglalarawan at ang paglalarawan o masusing pagsusuri ng mg mga detalye.
Nilalaman
19
Dapat malinaw ang iyong punto o “thesis statement”. Ano ba ang gusto mo palabasin? Iakma rito ang iyong sasabihin.
Punto
20
Ang _________ ang nagsisilbing gabay para maisulat ng mas malinaw ang mga ideya ng hindi nawawala sa pokus. Nakaktutulong ito upang maiwasang maging paulit-ulit ang mga ideyang nais maisama sa sanaysay. Nagsisilbi rin itong gabay sa kung paano sisimulan at tatapusin ang sanays. Nagsisilbi itong map sa pagsulat ng sanaysay.
Balangkas
21
Tiyaking ang ________ ng iyong isusulat? Ito ba ay nasa unang katauhan? Ikaw ba ay isang magulang, mag-aaral, guro, pulitiko? Ito ay mahalaga upang maipaliwanag ang iyong punto de vista (point of view).
Tono
22
Mas Malaki ang puntos kung tama ang gramatika ng sanaysay. Dapat ay wasto ang mga panada (tuldok, kuwit, pananong, tutoldok, atbp.)
Tamang Gramatika at mga Pananda
23
Huwag ibitin ang mga mambabasa. Dapat itong may konklusyon o wakas.
Tapusin ang Sanaysay