記憶度
7問
19問
0問
0問
0問
アカウント登録して、解答結果を保存しよう
問題一覧
1
Nag-aatas ito sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo o midyum ng pagtuturo sa lahat ng paraalan sa buong Pilipinas.
Batas Blg. 74 na ipinatupad ng Philippine Comission noong 1901
2
Tinukoy noong Nobyembre 1, 1897 sa Artikulo VII ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato na
Wikang tagalog ay siyang magiging opisyal na wika ng republika
3
Noong _____ sa _____ hiniling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa tuwing ____
Noong Hulyo 29, 1971 sa Memorandum Sirkular Blg. 488, Agosto 13-19.
4
Nasundan pa ito ng ___ na pormal na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gagamitin ang Pilipino sa opisyal na komunikasyon, transaksiyon at korespondensiya.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
5
Ano ang walong pangunahing wikang umiiral sa Pilipinas
Waray, Tagalog, Bicol, Ilokano, Cebuano, Hiligaynon, Tausug, Kapampangan at Pangasinan.
6
Hindi naging madali ang pagtanggap sa wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa lalo na sa mga bahagi ng bansa na di-Tagalog kaya sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika noong ___ ay tinawag ito na ____ sa bisa ng ____
Agosto 13, 1959, Pilipino, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg.7
7
Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat sa panahon ng katutubo
Baybayin
8
Isa sa kauna-unahang libro na nailimbag sa panahon ng kastila
Doctrina Christiana
9
hindi naging mabunga ang pagkatuto ng mga kabataan gamit ang wikang Ingles. Dahil dito, pinairal ang ___
Batas Komonwelt Blg. 577 noong 1931
10
Ang Saligang Batas ng ___ ang kauna-unahang Saligang Batas na inilimbag sa wikang pambansa nang isailalim ito para sa plebisito noong
1972, Enero 15, 1973.
11
pormal na iniatas ang paglilimbag ng Diksiyonaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos.
noong Abril 1, 1940 sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
12
Noong _____ lumabas ang _____ na nag-uutos sa pagkakaroon ng ___ na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa antas tersyarya at ___ yunit ng Filipino sa mga kursong pangedukasyon.
Hulyo 21, 1978, Kautusan Pangmistri Blg.22, 6 at 12
13
Iniutos ng pamahalaang Hapones na ____ at ____ ang magiging wikang opisyal ng Pilipinas
Tagalog at Nihongo
14
Nilagdaan ni Pangulong Quezon ang ____ noong _____ na nagpapatibay sa kapasiyahan ng SWP.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, Disyembre 30, 1937
15
Pagkatapos ng pagsusuri noong ____ naghain ng resolusyon ang SWP na nagsasabing wikang Tagalog ang nakatugon sa lahat ng pamantayan ng Lupon
Nobyembre 9, 1937
16
Ito ay pormal na nag-aatas sa pagtuturo ng wikang Tagalog sa lahat ng mga paaralan maging sa mga kolehiyo at unibersidad.
Kautusang Tagapagpaganap Blg.10, ipinatupad ni pangulong Laurel
17
Nagsagawa rin ng reporma sa alpabeto at mga tuntunin sa ortograpiyang Filipino na nakasaad sa ______. Ito ay pinamagatang __________
Kautusang Pangkagawaran Blg.81. Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
18
Ito ay nagtagubilin sa paggamit ng wikang bernakular bilang wikang pantulong sa pagtuturo sa buong kapuluan.
Batas Komonwelt Blg. 577 noong 1931
19
Pinagtibay naman sa ____ ng _____ na nagsasabing ang Ingles at Pilipino ay isasama sa kurikulum mula sa baitang sa mababang paaralan hanggang kolehiyo.
Resolusyon Blg.73 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon
20
Ang librong Doctrina Christiana ay naglalaman ng?
Panalangin at Katekismo
21
Samantala, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas elementarya sa bisa ng ____ noong ____
Resolusyon Blg.70 noong 1970
22
sa bisa ng ___ noong ___ pinalitan ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa ____ bilang pagbibigay pugay sa kaarawan ni dating pangulong ____ na nagbukas ng ideya sa pagkakaroon ng wikang pambansa.
Proklamasyon Blg.186 noong Setyembre 23, 1955, Agosto 13-19, pangulong Manuel L. Quezon
23
nagkaroon ng probisyon sa Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3 dahil sa pagsisikap ni
Kongresista Wenceslao Vinzon
24
Kailan ipinatupad ng Philippine Comission ang Batas Blg. 74.
1901
25
Muli namang binuo ni Pangulong Marcos ang Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng ___
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304.
26
Noong 1901, ipinatupad ng Philippine Comission ang Batas Blg. 74. Ano ang nilalaman nito
Nag-aatas ito sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo o midyum ng pagtuturo sa lahat ng paraalan sa buong Pilipinas.
27
Kalaunan ang baybayin ay napalitan ng __
Alpabetong romano
28
Inilahad naman sa _____ noong ____ na ang wikang pambansa ay naging wikang panturo sa antas elementarya
Resolusyon Blg. 70 noong 1970
29
Ito ay nag-aatas na simulang ituro ang Wikang Pambansa sa ika-4 na taon sa mataas na paaralan at sa ikalawang taon sa mga paaralang normal.
Kautusang Pangkagawaran Blg.1
30
Ito ay naghahayag na “Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsiyon ng panlahat na wikang pambansang tatawaging Pilipino.”
Artikulo XV, Seksiyon 3, Talata 2
31
Sa pagdating ng mga Kastila, ano ang wikang ginagamit ng mga Pilipino.
wikang bernakular
32
"Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.”
Nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV, Seksiyon 6
33
Kahit na maigting ang kampanya ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pagpapalakas ng wikang Ingles sa bansa hindi ito naging sapat sapagkat ayon sa ______ hindi naging mabunga ang pagkatuto ng mga kabataan gamit ang wikang Ingles.
Monroe Educational Survey Commission noong 1924
34
Ito ay pormal na nagaatas sa Kongreso na gumawa ng hakbang upang magkaroon ng wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3
35
Noong ____ sa pamamagitan ng ______ ay napagkasunduan ang sumusunod na depinisyon ng Filipino: “Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkatang katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at makapgtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa.”
Agosto 5, 2013, Kapasyahan Blg.13-39
36
Bago pa man nagkaroon ng digmaan, naideklarang wikang opisyal ang Tagalog sa bisa ng ___
Batas Komonwelt Blg. 570 noong Hulyo 4, 1946
37
Sa ____ na nilagdaan ni Pangulong _____ noong ____ iniatas ang pagsasa-Pilipino ng pangalan ng mga gusali, edipisyo at mga tanggapan ng pamahalaan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, Pangulong Ferdinand E. Marcos, Oktubre 24, 1967
38
Sa pagdating ng mga Hapones noong 1941-1945 naitanghal bilang wikang pambansa ang Tagalog sa bisa ng ___
Military Order Blg. 2 noong Pebrero 17, 1942
39
Noong ____, ang dating LWP ay pinalitan ng _____
Agosto 14, 1991, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
40
Ang baybayin ay may ___ simbolo na kumakatawan sa titik
labimpitong (17) simbolo
41
Noong 1901, ipinatupad ng Philippine Comission ang Batas Blg. 74. Nag-aatas ito sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo o midyum ng pagtuturo sa lahat ng paraalan sa buong Pilipinas. Ngunit binatikos ang polisiya na ito noong
1908
42
Sa bisa naman ng ____ noong ____, iniatas na ang mga _____ ng mga kagawaran, tanggapan at sangay ng pamahalaan ay nararapat na isulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa ingles
Memorandum Sirkular Blg. 172 noong Marso 27, 1968, letterhead
43
Kailan at anong artikulo tinukoy na ang wikang tagalog ang magiging wikang opisyal ng republika?
Nobyembre 1, 1897 sa Artikulo VII ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato
44
Noong ____, pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa.
Oktubre 12, 1986
45
Lalong pinaigting ang pagpapaunlad ng wikang Filipino nang lagdaan ni Pangulong ____ ang _____ na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa (dating Linggo ng Wika) tuwing tuwing Agosto 1-31 Ang Artikulo ___, Seksiyon __ at __ ng Saligang Batas ng ____ ay naging pangunahing konsiderasyon ng KWF sa pagbuo ng bagong pagpapasya.
Pangulong Fidel V. Ramos, Proklamasyon Blg. 1041 (2) Artikulo XIV, Seksiyon 6 at 7 ng Saligang Batas ng 1987
46
Sinundan ito ng pagpapalit ng pangalan ng SWP ____ . Ang Surian ng Wikang Pambansa ay pinalitan ng ______
Noong Enero, 1987, Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP).
47
inatasan na magsagawa ng pag-aaral hinggil sa umiiral na katutubong wika sa Pilipinas at mula sa mga ito‘y pinili ang wikang Tagalog na magiging batayan sa wikang pambansa.
Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
48
Lalong umigting ang paggamit ng wikang pambansa nang lagdaan ni dating pangulong Ramon Magsaysay noong ____ ang ___ na nagtatadhana sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing ___ hanggang ____ bilang pagbibigay parangal sa kaarawan ni ___
Marso 26, 1954, Proklamasyon Blg.12, Marso 29-Abril 4, Francisco Baltazar.
49
Pagkatapos ng pagsusuri noong Nobyembre 9, 1937, naghain ng resolusyon ang SWP na nagsasabing __ ang nakatugon sa lahat ng pamantayan ng Lupon.
wikang Tagalog
50
Ang Baybayin ay mayroong __ na katinig at __ patinig
labing-apat (14) na katinig at tatlong (3) patinig