問題一覧
1
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
ellipsis
2
Nagagamit ang mga _____ tulad ng "at" sa _____ ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.
pang-ugnay
3
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa ang reiterasyon at ang kolokasyon.
kohesyong leksikal
4
Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo pag-uulit o repetisyon, pag-isa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
reiterasyon
5
Tatlong uri ng reiterasyon
pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, pagbibigay-kahulugan
6
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa't isa kaya't kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.
kolokasyon
7
Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
subhetibo
8
Ang paglalarawan kung ito'y may pinagbatayang katotohanan.
obhetibo
9
_____ ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
karaniwan
10
•_____ ang paglalarawan kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. • Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma.
masining
11
Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at ang pang-abay.
wika
12
Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari.
maayos na detalye
13
Maaaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan.
pananaw ng paglalarawan
14
Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng naglalarawan.
isang kabuoan o impresyon
15
maihahalintulad sa isang larawang ipininta kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng tarawan. - mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan.
tekstong deskriptibo
16
halos makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito.
epektibong paglalarawan
17
• Upang mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uring teksto • Mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
cohesive device
18
ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya'y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).
reperensiya o reference
19
ang paksa ay mababasa sa unang pangungusap.
anapora
20
ang paksa ay mababasa sa panghuling pangungusap
katapora
21
Sa _____, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.
paglalarawan sa tauhan
22
Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito'y ang kanyang damdamin o emosyong taglay.
paglalarawan sa damdamin o emosyon
23
Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon o damdaming taglay niya.
paggamit ng diyalogo o iniisip
24
Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan, minsa' y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan.
pagsasaad sa ginagawa ng tauhan
25
Ang mga tayutay at matatalinghagang pananalita ay hindi lang nagagagamit sa pagbibigay ng rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa.
paggamit ng tayutay o matatalinhagang pananalita
26
Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kailan at saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa.
paglalarawan sa tagpuan
27
Hindi sapat na maglagay lamang ng larawan ng nasabing bagay sa pahina ng akda. Dapat mailahad kung saan nagmula ang bagay na ito, kinakailangan na madama ng mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa, tunog, at iba pang katangian nito. At ihayag ang kuwento sa likod ng bagay na ito at kung paano ito naging makabuluhan o mahalaga sa tauhan o manunulat at sa kabuoan ng akda.
paglalarawan sa mahahalagang bagay