問題一覧
1
Ang panitikan ay buhay, buhay-buhay ng tao. Inilalarawan nito ang mga ugali, asal, gawi at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kani-kanilang kapanahunan. Kung ano ang saloobin, naiisip at nadarama at mga nagaganap sa kanilang kapanahunan ay naipahahayag ng mga makata at manunulat ng panitikan. Dahil dito, kaya nga’t masasabing ang panitikan ay ang ekpresyon ng taoAng panitikan ay buhay, buhay-buhay ng tao. Inilalarawan nito ang mga ugali, asal, gawi at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kani-kanilang kapanahunan. Kung ano ang saloobin, naiisip at nadarama at mga nagaganap sa kanilang kapanahunan ay naipahahayag ng mga makata at manunulat ng panitikan. Dahil dito, kaya nga’t masasabing ang panitikan ay ang ekpresyon ng tao
San Juan et al 2005
2
ang panitikan ay katipunan ng magaganda, mararangal, masisining at madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi
Ponciano B.P. Pineda
3
Maliwanag na di isinasali ni sa katipunan ng panitikan ang mga nasusulat na kulang sa ganda, sining at damdamin
Ponciano BP Pineda
4
talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap (Villafuerte et al., 2009)
Arrogante (1983)
5
ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan
Salazar (1995:2)
6
naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng tao. Ito ang paraan ng pagsasalin ng panitikan noong unang panahon nang ang pagsulat ay hindi pa natututunan ng tao.
PASALIN-DILA
7
paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat. Kung gayon, ang mga dating panitikang inaawit, ikinukwento, tinutula o binibigkas lamang ay naisatitik na
Pasulat
8
nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan
Tuluyan/Prosa
9
Isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinsasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata. Maaaring mauri batay sa pagbibigay-diin sa isa o ilang sangkap nito
Nobela
10
limang uri ng nobela
1. nobela ng pangyayari 2. nobela ng tauhan 3. nobela ng romansa 4. nobela ng pagbabago 5. nobela ng kasaysayan
11
Ang binibigyang-diin ay ang mga pangyayari tulad ng Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco.
Nobela ng Pangyayari
12
Ang binibigyang-diin ay ang katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan tulad ng Nena at Neneng ni Valeriano H. Peña.
Nobela ng Tauhan
13
Ang nakatuon sa pag-iibigan tulad ng Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos.
Nobela ng Romansa
14
Ang diin ng akda ay ang paghahangad ng may-akda ng mga pagbabago sa lipunan at pamahalaan tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal.
Nobela ng Pagbabago
15
Nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng isang bayan tulad ng Paghihimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo.
Nobela bg Kasaysayan
16
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
1. Nobela 2. Maikling Kwento 3. Dula 4. Alamat 5. Pabula 6. Parabula 7. Anekdota 8. Sanaysay 9. Balita 10. Talambuhay 11. Talumpati
17
Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon
Maikling Kwento
18
Uri ng Maikling Kwento
1. Kwentong Pangkatauhan 2. Kwentong Makabanghay 3. Kwentong Pangkapaligiran 4. Kwentong Pangkatutubong-Kulay 5. Kwentong Pangkaisipan 6. Kwentong Sikolohikal
19
Ang binibigyang-diin ay ang katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan tulad ng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute.
Kwentong Pangkatauhan
20
Ang binibigyang-diin ay ang pagkakawing-kawing ng mga pangyayari sa katha tulad ng Bahay na Bato ni B.L. Rosales.
Kwentong Makabanghay
21
Ito ay nakatuon sa tagpuan at atmospera ng akda tulad ng Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Edroza-Matute.
Kwentong Pangkapaligiran
22
Ito ay nakatuon sa paligid, kaayusang panlabas at kakanyahang pampook ng isang lugar o komunidad tulad ng Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda.
Kwentong Pangkatutubong kulay
23
Ang binibigyang-diin sa katha ay ang kaisipan o ang makabuluhang diwang taglay tulad ng Ang Pag-uwi ni Genoveva Edroza- Matute.
Kwentong pangkaisipan
24
Ang tuon ay sa paraan ng pag-iisip ng pangunahing tauhan tulad ng Dugo at Utak ni Cornelio Reyes.
Kwentong sikolohikal
25
Isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan. Nahahati sa tatlo o higit pang yugto bagama’t marami rin ang mga dulang iisahing-yugto
Dula
26
URI NG DULA AYON SA PAKSA
Komedya Trahedya Melodrama
27
Ang paksa ay katawa-tawa tulad ng Ang Piso ni Anita ni Julian Cruza Balmaceda.
Komedya
28
Ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing tauhan at karaniwang nagtatapos sa kanyang kamatayan tulad ng Lakambini ni Patricio Mariano
Trahedya
29
Ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap ng mga tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay gaya ng Minda Mora ni Severino Reyes.
Melodrama
30
Mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil ito’y mga likhang isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang pinanggalingan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at bibliya. Isang mahusay na halimbawa nito ay ang
Alamat
31
Mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na mga tao.
Pabula
32
Mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan. Tulad ng pabula, may layunin din itong nag-iwan ng aral na kapaki-pakinabang sa buhay. Isa sa pinakapopular na halimbawa nito ay ang Parabula ng Alibughang Anak.
Parabula
33
Maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa. Maaari ring ito’y kasangkutan ng mga hayop o ng mga bata. Isang mahusay na halimbawa nito ay ang Ang Gamugamo at ang Munting Ilawan
Anekdota
34
Isang pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng isang may-akda hinggil sa isang suliranin o paksa. Maaaring maging pormal kung ang paksa nito’y hindi karaniwan at kung gayo’y nangangailangan ng matiyagang pag-aaral o pananaliksik
Sanaysay
35
Kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring maging pansarili ang isang talambuhay kung ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay tulad ng Ang Mabuting Pakikipaglaban ni Manuel L. Quezon.
Talambuhay
36
Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at pinilakang-tabing
Balita
37
Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpati ay nauuri batay sa iba’t ibang layunin.
Talumpati
38
nasusulat sa taludturan sa saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugmaan o dili kaya’y malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.
Tulang Pasalaysay
39
Dalawang Tulang Pasalaysay
1. Epiko 2. Awit at Korido
40
Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala. Dalawa sa pinakakilalang halimbawa nito ay ang Biag ni Lam-ang ng mga Iloco at ang Indarapatra at Sulayman ng mga Muslim.
Epiko
41
Patulang pasalaysay na paawit kung basahin. Kadalasan sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay nito. Kinapapalooban ito ng romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan.
Awit at Korido
42
Tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa kategoryang ito ang mga tulang awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda.
Tulang Padamdamin o Liriko
43
Maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga nito’y hindi na matukoy kung sino ang may-akda ng maraming mga kantahing bayan. Karaniwang pinapaksa ng mga awiting-bayan ang pag-ibig, kawalang-pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Chit Chirit Chit, Leron-Leron Sinta at Bahay Kubo.
Awiting Bayan
44
Tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Sonnet ni Jose Garcia Villa at Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon.
Soneto
45
Tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ellegy ni Thomas Gray at Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos.
Elehiya
46
Tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay. Ang Dalit kay Maria ay isang mahusay na halimbawa nito.
Dalit
47
Tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran. Isang halimbawa nito ay ang Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez.
Pastoral
48
Tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.
Oda
49
Mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan
Tulang Padula o Dramatiko
50
Mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan.
Tulang Patnigan
51
ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-malisin
Webster 1947
52
ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap
Villafuerte et al., 2009
53
Ang awit ay may taludtod na __________ pantig tulad ng sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas at Buhay ni Segismundo ni E. Julian de Tandiana.
labindalawahing
54
ang korido naman ay ______ pantig ang b awat taludtod tulad ng sa Ibong Adarna ni Jose dela Cruz.
wawaluhing
55
Ang Florante at laura ay halimbawa ng?
awit
56
ang Chit Chirit Chit, Leron-Leron Sinta at Bahay Kubo ay halimbawa ng?
awiting bayan