暗記メーカー
ログイン
FILDIS
  • Angela Etoc

  • 問題数 28 • 11/17/2023

    記憶度

    完璧

    4

    覚えた

    11

    うろ覚え

    0

    苦手

    0

    未解答

    0

    アカウント登録して、解答結果を保存しよう

    問題一覧

  • 1

    ang pananaliksik ay “isang maingat, mapanuri, disiplinadong pamamaraan ayon sa kalakasan ng suliranin na itinutuon para sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin”.

    Good

  • 2

    isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat tungkol sa isang bagay sa layuning sagutin ang ilang katanungan ng pananaliksik.

    parel

  • 3

    dahil kinakailangan ang wastong paghanay ng mga ideya. Ang mga salitang gagamitin ay pili ayon sa hinihingi ng paksa.

    maingat

  • 4

    dahil bawat detalye, datos, pahayag o katwiran ay nililinaw at pinag-aaralang mabutibago gumawa ng anumang pasya.

    masusi

  • 5

    may sinusunod na batayan o proseso sa pagsulat, nakakaiwas sa ,mga maling pahayag, pasya at pagsisiwalat.

    sistematiko

  • 6

    ang bunga ng pagsisiyasat ay tinitimbang, sinusuri at tinataya.

    mapanuri

  • 7

    kailangang patunayan ang mga palagay, hak-haka o paniniwala sa paraang sigurado at mapagbabatayan.

    tiyak

  • 8

    bawat hakbang ay nakaplano. Walang puwang ang mga gawaing likahang-isip at mga panghuhula. Maingat na pinipili at nililinang ang mga pahayag na batay sa mga nakalap na datos. Kaya ang kongklusyon at rekomendasyon ay batay rin sa mga natuklasan.

    kontrolado

  • 9

    Ang mga interpretasyon o pagpapakahulugan ay binabatay sa paghahanay, pagtataya at pagsusuri ng mga datos na nakalap.

    obhetibo

  • 10

    Ang mga patotoo at ang validity ng sulating pananaliksik ay nakasalalay sa mga ihaharap na mga materyales bilang pagkilala sa Gawain ng iba at mga datos na nakuha.

    dokumentado

  • 11

    Magiging balido lamang ang isang pananaliksik kung ang mga inilahad na ideya ay mapapanaligan at mapapatotohanan sa tulong ng mga ginamit na mga datos.

    masusi o kritikal

  • 12

    Isinasagawa ito ng mga mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat.

    pang akademya

  • 13

    Tinatawag din itong Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawasa mga larangan ng biyolohiya, at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga sasakyan, at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri ng mga pananaliksik.

    pang agham

  • 14

    Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho.

    pampamilihan

  • 15

    Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang kung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa wikang sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook.

    pangwika

  • 16

    Kinakailangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili mong paksa. Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.

    kasapatan ng datos

  • 17

    Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung hanggang kailan lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya nangangailan ngahabang panahon para maisakatuparan.

    limitasyon ng pag aaral

  • 18

    Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na pera.

    kakayahang pinansiyal

  • 19

    Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip dapat ito ay makakatulong din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.

    kabuluhan ng paksa

  • 20

    May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo ng komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.

    interes ng mananaliksik

  • 21

    Maaari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaring ang maging paksa natin ay batay mismo sa ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging sa ating mga kaalaman na natutunan. Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang lulong sa computer games, maari mo itong gawing paksa sa iyong pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong kondisyon o magkaroon pa ng impromasyon ukol sa paksang ito.

    sarili

  • 22

    Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang mga napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin nating paksa.

    dyaryo at magazine

  • 23

    Dito, maari din tayong makakuha ng mga ediya na pwede nating gawing paksa sa gagawing pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa isport, edukasyon at maging sa mga balita.

    radyo at tv

  • 24

    Sa pagtatanong sa kanila, maari tayong magkaroon at makabuo ng ediya batay sa mga impormasyong ibibigay nila patungkol sa gagawin nating pananaliksik.

    A guro at kaibigan

  • 25

    Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas mabilis na ang ating pangangalap ng impormasyon.

    internet

  • 26

    Magandang kumuha ng paksa sa aklatan kung ang nais nating maging pangunahing ediya ay may kaugnayan sa Edukasyon at Akademya.

    aklatan

  • 27

    MGA BAHAGI NG PAMANAHONG-PAPEL 1. Mga Pahinang Preliminari o Front Matters 2. Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito 3. Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 4. Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 5. Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 6. Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 7. Mga Panghuling Pahina

    mga bahagi ng pamanahunang papel

  • 28

    Ayon kina ang pananaliksik ay pagtatangkang makakuha ng kalutasan sa suliranin.

    treece at truce