暗記メーカー
ログイン
SINESOS
  • bae lustre

  • 問題数 82 • 9/18/2024

    記憶度

    完璧

    12

    覚えた

    30

    うろ覚え

    0

    苦手

    0

    未解答

    0

    アカウント登録して、解答結果を保存しよう

    問題一覧

  • 1

    Ano ang pelikula?

    Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang Isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya, kilala din bilang sine.

  • 2

    Nagsimulang umunlad ang mga pelikula sa pilipinas.

    taong 1909

  • 3

    Nagsimula rin lumabas ang sinehan tulad ng?

    Empire at anda

  • 4

    Lumabas ang mga silent films noong ____ kung saan tinalakay din ang buhay ng bayani gaya ni _____ .

    1912, Jose Rizal

  • 5

    Dito pinorposeso ang mga pelikula upang maibahagi ito sa madla. karaniwang mga propesyonal na distributor ang gumagawa nito at maaaring ipalabas sa teatro, telebisyon o personal.

    distribusyon ng pelikula

  • 6

    Ito ay Isang paraan kung saan hinahati ang parte ng Isang pelikula at ito ay pinipili, inaayos, binabago para makagawa ng mas magandang seksyon ng pelikula.

    montage ng pelikula

  • 7

    Pagpupuna ng Isang gawa na naglalayong magbigay ng kritisismo o pagsusuri sa Isang partikular na isyu, tao, pangyayari o sistema.

    Pelikulang pamumuna

  • 8

    kilala din bilang sine, Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang Isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya.

    pelikula

  • 9

    Tumutukoy sa mga pangunahing bahagi ng Isang bagay, nilalang o kaganapan.

    Elemento

  • 10

    Ito ay may simula, gitna at wakas, na isinusulat lamang ang pinaka mahalagang eksena.

    kuwento/banghay

  • 11

    Naging epektibo ang karakter ng bidang artista/kontrabida sa pinagbidahang pelikula.

    karakter

  • 12

    Lugar na pinagdausan ng pelikula

    lunan at panahon

  • 13

    Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera

    sinematograpiya

  • 14

    Ang nilalapat na musika, instrumental man o liriko sa pelikula

    iskoring ng musika

  • 15

    Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa eksenang nakunan na.

    editing

  • 16

    Hinuhusgahan ang kabuuan ng pelikula dahil sa husay ng direktor.

    kabuuang direksyon

  • 17

    Siya ang kapitan ng pelikula ang utos at kumpas niya ang nasusunod sa syuting at maski sa usapin, nailalabas niya ang husay sa pagbuo ng pelikula.

    kahusayan ng direktor

  • 18

    Tumutukoy sa pangkahalatang konsepto ng panlabas at ang inaasahang epektibo nito sa manonood

    tema

  • 19

    Ito ay Isang pagsusuri kung papasa ba ito sa panlasa ng nakararami, na maaaring mairekomenda panoorin ng iba.

    rekomendasyon

  • 20

    Inilalahad dito ang naging epekto sa iyo ng pelikula

    Repleksyon

  • 21

    Ito ay makatotohanang paglalarawan ng tao mula sa pananaw ng kalagayan ng tao mula sa pananaw ng pilipino

    nilalaman ng kuwento

  • 22

    Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.

    sequence iskrip

  • 23

    Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito naihaharap nanga mahusay at makatotohanan ang mga detalye sa palabas.

    pananaliksik o research

  • 24

    Binabalangkas sa parang orihinal ang nasabing karanasan ayon sa pangangailangan ng midyum.

    Dulang pampelikula

  • 25

    Matagumpay na nagawa ng artista na mapaniwala ang mgaanonood sa tauhang kanyang inilarawan.

    pagganap

  • 26

    Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng kuwento

    disenyong pamproduksyon

  • 27

    Matagumpay na naisasalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng pag ilaw, komposisyon, galaw at ibang may kaugnayan sa teknik ng kamera.

    sinematograpiya

  • 28

    Malikhain nitong pinakikitid o pinapalawak ang Oras, kalawakan, galaw

    editing

  • 29

    Naisasalin nang buhay na buhay ang diyalogo at musika, epektibong tunog at katahimikan

    tunog o sound effect

  • 30

    Pinapalitaw ang kahulugan ng tagpo o damdamin, inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula

    musika/sound track

  • 31

    Mga pamamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhun ang kuwento sa telebisyon o pelikula

    pagdidirehe

  • 32

    Mula sa malayo ay kinukuhaan ang buong senaryo o lugar

    establishing/long shot

  • 33

    Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas

    medium shot

  • 34

    Ang pokus ay nasa Isang partikular na bagay lamang, Hindi binibigyang diin ang nasa paligid.

    close up shot

  • 35

    Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim

    High angle shot

  • 36

    Maaari ring maging aerial shot na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi

    birds eye view

  • 37

    Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng Isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan

    panning shot

  • 38

    Tumutukoy ito sa sistematikong pagaaral ng nakaraan, kasama ang pangyayari, tao, at kultura na humuhubog sa Isang lipunan.

    kasaysayan

  • 39

    Anyone ng sining na may kakayanang magbigay ng libangan,edukasyon,at kritisismo sa lipunan.

    kasaysayan ng pelikulang pilipino

  • 40

    Unang pelikulang pilipino na kinilala ay ang dalagang bukidni Jose Nepumuceno noong 1919, sa panahong ito ay kadalasang adapsyon ng mga popular na dula or zarzuela

    mga unang taon 1919-1930

  • 41

    Ang dekada 1950 at 1960 ang itinuturing na _____ ng pelikulang pilipino

    Ginintuang Panahon

  • 42

    Nagkaroon ng malaking pagbabago sa tema at istilo ng mga pelikula noong 1970 at 1980

    pag unlad at modernisasyon

  • 43

    Sa kasalukuyang panahon, ang pelikulang pilipino ay patuloy na lumalago sa kabila ng mga hamon. (1990s - kasalukuyan)

    pelikula sa makabagong panahon

  • 44

    May malinaw na simula, gitna at wakas

    kuwento/banghay

  • 45

    Epektibong pagganap ng mga aktor na naglalarawan sa kanilang karakter

    karakter/ Bida - kontrabida

  • 46

    Angkop na Lugar at panahon para sa istorya

    lunan at panahon

  • 47

    Wasting paggamit ng ilaw at lente para maipakita ang tunay na pangyayari

    sinematograpiya

  • 48

    Angkop na musika para sa ibat ibang eksena

    iskoring ng musika

  • 49

    Maayos na pagpuputol at pagdudugtong-dugtong ng mga eksena

    editing

  • 50

    Husay ng direktor sa pagbuo ng pelikula

    kabuuang direksyon

  • 51

    Naghahatid ng pinakamensahe, ito ay nagsisilbi ring panghatak ng pelikula

    pamagat

  • 52

    Pagbibigay introduksyon ng ilang bagay hinggil sa kaligiran ng pelikula

    panimula

  • 53

    Ito ang paksa ng pelikula, ito ang diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula

    tema

  • 54

    Ang mga tao na gumaganap at nagbibigay buhay sa kuwento ng pelikula

    tauhan

  • 55

    Matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula

    sinematograpiya

  • 56

    Mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento

    diyalogo

  • 57

    Dapat angkop ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena

    editing ng pelikula

  • 58

    Ito ang musikang tumutugtog habang may eksena

    paglalapat ng musika

  • 59

    Nagbibigay ito ng higit na makabuluhan o buhay sa bawat eksena

    paglalapat ng tunog

  • 60

    Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan

    pormalistiko

  • 61

    Sinusuri o tinatalakay ang pagpapahalagang ginamit / pinapahalagahan ang moralidad disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda

    moralistiko

  • 62

    Hinihinuha ang kalagayang panlipunan ng panahong kinatha ang panitikan / layuning ipakita ang karanasan ng Isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog

    Sosyolohikal / Historikal

  • 63

    Tinitignan at sinusuri ang takbo ng isip ng may katha / tinitimbang ang antas ng buhay, paninindigan, paniniwalaan, pinapahalagahan, at nga tumatakbo sa isipan at kamatayan ng mga tauhan

    sikolohikal

  • 64

    Tinitignan ang inahen, paglalarawan, posisyon, at gawin ng mga babae sa loob ng akda

    feminismo

  • 65

    Tinitignan ang tao bilang sentro ng daigdig

    humanismo

  • 66

    Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kapakanan ng madami

    eksistensiyalismo

  • 67

    Ang binibigyang tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan, karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. / Nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan, at iba pa

    romantisismo

  • 68

    Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampolitika

    marxismo

  • 69

    Taong 1919 tinagurian siyang ama ng pelikulang pilipino

    Jose Nepumuceno

  • 70

    Ang kauna unahang silent film sa bansa na ipinalabas noong 1919

    dalagang bukid

  • 71

    Nangangahulugan ng mga istilo o kategorya ng Isang sinning, musika o literatura, kadalasan ginagamit at naririnig sa musika

    genre

  • 72

    Pelikulang ginagamit ng mga larawan pagguhit/ drowning upang magmukang buhay ang mga bagay na walang buhay

    animasyon

  • 73

    Pelikulang nagpapalabas ng mga hubad na katawan at gawaing sekswal

    bomba

  • 74

    Mga pelikulang nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang manonood

    drama

  • 75

    Pelikulang na nagbibigay diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga, at makasaysayan

    epiko

  • 76

    Pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan

    historikal

  • 77

    Pelikula na humikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood sa pamamagitan ng takot

    katatakutan

  • 78

    Pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o totoong pagpapatawa sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig

    komedya

  • 79

    Nagdadala sa manonood sa Isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng prisipe/prinsesa at kuwentong bayan.

    pantasya

  • 80

    Umiikot ang kuwento sa pagiibigan ng mga tauhan

    pagibig/romansa

  • 81

    Pelikula kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay sa buhay ng Isang tao na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay

    period

  • 82

    Pelikulang base sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham, o mga gawa gawa lamang gaya ng daigdig ng mga aliens

    science fiction