問題一覧
1
Ano ang ibig sabihin ng ilaw trapiko na ito?
Humanda sa paghinto
2
Sakay ng manual clutch backhone na motorsiklo, may asong biglang tumawid sa iyong daan. Aling paa ang dapat mong gamitin upang matamo ang maksimum na preno upang hindi masagasaan ang aso?
Kanan
3
Ano ang maksimum na parusa para sa paulit-ulit na paglabag sa R.A. No. 10666 o Children's Safety on Motorcycle Act?
Pagbawi ng driver's license
4
Aling lane ang dapat mong piliin matapos kang lumiko sa pakanan mula sa interseksyon patungong one-way street?
Manatili sa pinakakanan na lane
5
Ano ang maksimum na sukat ng pinasadyang top box ng motorsiklo?
2ft x 2ft x 2ft
6
Saan mo nararapat iposisyon ang iyong sasakyan kung ikaw ay nagpaplanong lumiko pakaliwa sa isang maliit na kalsada?
Sa pinakakaliwang bahagi ng kalsada
7
Kapag ang paglabag sa R.A. No. 10666 sa Safety Children Aboard Motorcycle ay nagresulta ng kamatayan o pinsala, ano ang ipapataw na parusa sa motorcycle rider o operator nito?
Isang (1) taon ng pagkakakulong na walang ibibigay na pagkiling ayon sa Revised Penal Code 1
8
Ayon sa R.A. No. 4136, anong bahagi ng sasakyan ang ipinagbabawal na putulin o tanggalin?
Muffler
9
Kung walang mga pananda sa daan o pavement markings, ikaw ay nararapat magmaneho:
malapit sa kanang bahagi ng kalsada
10
Saan mo makikita ang senyas trapiko na ito?
Sa haligi ng tulay tawiran
11
Maiiwasan at mababawasan ang mga aksidente sa kalsada kung:
hindi binabale-wala ng mga driver ang mga senyas pantrapiko na naroroon sa mga partikular na lugar
12
Bakit may mga nakalagay na rumble strips sa mga kalsada?
Upang matawag ang iyong kamalayan sa bilis ng iyong takbo
13
Sa aling nga sitwasyong maaring gamitin ang telepono habang nagmamaneho ng sasakyan?
Wala sa itaas
14
Ang taong may kapansanan ay maaaring magkaroon ng lisensya sa pagmamaneho kung:
nakasulat sa lisensiya ang kaniyang karamdaman
15
Ano ang maksimum at pinahihintulutang lapad ng saddle box o bag?
14 na pulgada mula sa magkabilang gilid
16
Ano ang dapat gawin ng isang driver kung siya ay dadaan sa isang kalye na maraming tao na tumatawid?
Bagalan ang takbo, maging alerto, o maingat at tingnan kung ligtas ang pagdaan
17
Ano ang dapat mong gawin kung pinapatakbo ka ng pulis pantrapiko kahit na pula na ang traffic light o senyas na nagpapahinto?
Dapat kang sumunod
18
Sino ang responsable para siguraduhing hindi sobra sa dami ang nakasakay ng sasakyan?
Ang driver ng sasakyan
19
Upang nakapagmaneho sa kalsada, kinakailangan nakahanda ang mga ganitong dokumento:
valid na lisensya ng driver, sertipiko ng pagrehistro, at kasalukuyang opisyal na resibo ng sasakyan
20
Ano ang ibig sabihin ng senyas trapiko na ito?
Katapusan ng pinakamataas na itinakdang bilis
21
Kung liliko pakanan, nararapat na:
bagalan ang takbo, manatili sa pinakalabas na bahagi ng daan, at mag-signal upang lumiko sa kanan
22
Ang R.A. No. 10666 sa Safety Children Aboard Motorcycle na nagbabawal sa bata na sumakay sa mga pampublikong kalsada kung saan may mabigat na dami ng sasakyan, mayroong mataas na kakapalan ng mabilis na paglipat ng mga sasakyan kung saan ang limit:
Isakay ang bata sa motorsiklo na ang mga paa ay hindi maabot ang pedal
23
Maaari kang magmaneho sa pathway:
papasok sa isang pag-aari
24
Kapag nasa sangandaan at nakita ng driver na mula sa dilaw o yellow light signal ay nagpalit ito sa pula o red ay:
magpapatuloy ito sa interseksyon kahit ang ilaw ay pula
25
Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng traffic light?
Pula - Berde; Berde - Dilaw; Dilaw - Pula
26
Habang nagmamaneho ay may ginagawang daan. May pansamantala na pinakamataas na limitasyong bilis na karatula, ano ang gagawin mo?
Sumunod
27
Magkano ang parusa para sa pangalawang opensa ng R.A. No. 10666 Children's Safety on Motorcycle Act of 2015?
PHP 5,000
28
Kung ikaw ay nasa ilalim ng impluwensya ng inuming nakakalasing habang nagmamaneho, malamang na ikaw ay:
mabagal ang reaksyon
29
Ang traffic light ay nagpalit mula sa berde pa dilaw habang pasangandaan ka. Ano ang dapat mong gawin?
Huminto bago magsangandaan
30
Ano ang ibig sabihin ng pavement marking na ito?
Linyang naghihiwalay sa magkasalubong na direksyon
31
Anong senyas pantrapiko na kung babalewalain ay may kaakibat na parusa?
Regulatory signs
32
Ano ang dapat gawin kapag nagmamaneho sa highway na may maraming lubak?
Bagalan ang takbo
33
Hindi maaaring pumarada o huminto ang driver sa tabi ng kalsada na may nakasulat na "Stop" sign kung ito ay sakop ng:
6 metro
34
Ano ang isinasaad sa batas na dapat mo sundin kapag papalapit sa isang interseksyon na may isang stop sign?
Itigil at magpatuloy kapag ligtas na gawin ito
35
Ano ang gagawin mo kung ikaw ay dumating sa interseksyon na may sirang mga signal pantrapiko?
Ipagpalagay na ang interseksyon ay nakasenyas ng "Hinto" sa lahat ng direksyon
36
Ano ang pinkamabuting gawin kung ikaw ay inimbitahan sa hapunan at alam mong ikaw ay magmamaneho pauwi?
Huwag uminom ng anumang alak
37
Kailan mo dapat tingnan ang lebel ng langis ng makina ng sasakyan?
Kapag malamig na ang makina
38
Ano ang pinakamainam na paraan sa pagbibigay ng karapatang dumaan?
Pagbibigay daan
39
Ano ang magiging resulta ng hindi pagpatay ng signal light matapos lumiko mula sa interseksyon?
Makakapagpapalito sa lahat ng mga nasa daan
40
Ano ang kailangan mong gawin kung masundan mo ang truck na may ganitong kumukurap-kurap na senyas sa kaniyang likuran?
Dumaan sa kaliwang linya
41
Saan hindi maaaring magparada ng sasakyan?
6 metro mula sa interseksyon
42
Ano ang dapat mong gawin sa kumikislap na dilaw na trapikong ilaw?
Magmaneho ng maingat, para itong "Give Way" Sign
43
Kapag ang driver ay nakalabag ng pangatlong ulit sa R.A. No. 10666 sa Safety Children Aboard Motorcycle, ang kanyang lisensya ay masususpinde ng gaano katagal?
1 buwan
44
Mas delikado na lumiko sa kaliwa kesa lumiko sa kanan dahil:
mas mabilis ang mga sasakyan mula sa kaliwa
45
Paano mo maiiwasan ang maaksayang paggamit ng gasolina?
Napapatingnan nang wasto at napapanatili ang kondisyon ng sasakyan
46
Ang yellow box pavement marking ay ipinipinta sa loob ng interseksyon ng walang sasakyan ang:
pinahihintulutang huminto
47
Lumapit ka sa isang interseksyon na may isang hanay ng mga signal ng trapiko. Ang mga signal ay blanko. Ano ang dapat mong gawin?
Ituring ang mga interseksyon na mayroon pa rin mga palatandaan ng STOP sa lahat ng direksyon
48
Maaari ka bang manatili sa loob ng interseksyon?
Hindi maaari, ang interseksyon ay nararapat na maluwag sa lahat ng oras
49
Ang asul na traffic sign ay may nakasulat na "60 km/oras". Ano ang gagawin mo?
Magmaneho sa minimum na bilis na 60 km/oras
50
Nagmaneho ka hanggang sa isang interseksyon at nakita mo ang senyas na ito. Ano ang dapat mong gawin?
Pabagalin at maghanda na magbigay sa anumang mga naglalakad at trapiko sa unahan
51
Dumating ka sa krus na daan, at gusto mong lumiko sa kaliwa at mayroon kang berdeng arrow na ilaw. Makakatuloy kaba?
Oo, makakaliko ka dahil walang ibang sasakyan ang pwedeng pumasok sa sangandaan
52
Paano mo itinatapon ang langis ng makina ng motorsiklo na gamit na?
Itapon ito nang maayos sa pamamagitan ng pagdala sa mga "oil change facilities"
53
Bilang isang driver, ikaw ay higit na makapagdudulot ng pinsala sa kapaligiran sa pamamagitan ng:
pagpapatakbo ng matulin
54
Kung kakaliwa, saan dapat nakaposisyon ang iyong motorsiklo?
Sa pinakamalapit sa gitna ng highway
55
Sa gabi nakita mo may taong naglalakad na nakasuot ng nagrerepleksyon na damit at may dalang matingkad na pulang ilaw. Ano ang ibig sabihin nito?
Papalapit ka sa organisadong paglalakad
56
Ang U-turn ay ginagamit upang lumipat sa kabilang direksyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi pinahihintulutan?
Pag U-turn sa lane na may dobleng buong guhit na dilaw
57
Pwede kang mag-overtake kapag ang highway ay may dalawang linya ng:
hiwa-hiwalay na puting linya
58
Higit na mapanganib lumiko sa kaliwa kaysa sa kanan dahil:
ang sasakyang galing sa kabilang direksyon ay higit na mabilis
59
Ang pangunahing layunin ay pagtingin sa harapan habang nagmamaneho ay:
upang tingnan ang daloy ng trapiko sa unahan at mga pagbabago sa kondisyon ng daan
60
Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?
baku-bakong kalsada