記憶度
4問
13問
0問
0問
0問
アカウント登録して、解答結果を保存しよう
問題一覧
1
Ito ay ang makaagham na pagkuha at pangangalap ng mga tala upang masubok ang isang teorya nang sa gayon ay malutas ang isang suliranin. Dito ay lubos na kailangan ang pagtitiyaga at maingat na paghahanap ng mga kinakailangang datos upang matiyak na matatanggap ang mga impormasyon o datos na nalikom upang mapatotohanan ang teoryang kasangkot.
Pananaliksik
2
Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na.
De Guzman(2005)
3
Ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado, emperikal, at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal.
Kerlinger(1973)
4
Ito ay kontrolado at ang bawat hakbang ng pagsasaliksik ay nakaplano. Hindi kailangang hulaan o gawin lamang ng imahinasyon ang pag-aaral dahil nawawalang ng bisa ang kahulugan ng pag- aaral para sa isang mananaliksik. Binibigyang-linaw rito ang suliranin, ang mga variable ay tinutukoy, at ang mga instrumento ay maingat na pinipili o nililinang.
Siyentipikong Pananaliksik
5
Itinala nina Calderon at Gonzales (1993) ang ilan sa mga layunin ng pananaliksik:
Makatuklas ng mga bagong kaalaman mula sa mga nauna nang tuklas o kaalaman, Upang matugunan ang mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na pamamaraan at mga impormasyon, Mapahusay ang mga umiiral na teknik at malinang ang mga bagong instrumento o produkto, Matuklasan ang mga hindi pa nakikilalang substansiya at mga element, Higit na mabatid ang katangian ng mga substansiya at mga element, Makagawa ng mga batayan sa pagpapasya sa daigdig ng kalakalan, insdustriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan, Masapatan o matugunan ang kuryosidad o pag-aagam- agam sa panig ng mananaliksik, Mapalawak at matiyak ang mga umiiral nang kaalaman
6
Katangian at pananagutan ng isang mananaliksik
Masipag at matiyaga, Maingat, Masistema, Mapanuri
7
Kailangan ang walang katapusang paghahanap ng mga datos na gagamitin sa pananaliksik. Kailangan din ang tiyaga at lubos na pasensiya, malawak na pang-unawa sa mga nakasasalamuhang tao habang nangangalap ng datos.
Masipag at Matiyaga
8
kinakailangang maingat na maisa-isa ang mga nakalap na datos na may kaugnayan sa ginagawang sulating pananaliksik. Kailangan din niyang mabigyan ng angkop na pagkilala ang mga tao, awtor, at iba pang pinagkunan niya ng datos at maingat niya itong maisama sa kanyang inihahandang sulatin.
Maingat
9
Maayos at may Sistema ang kanyang mga hakbangin upang walang makalimutang mga datos o detalye na kailangan sa kanyang isinusulat na sulating pananaliksik. Sa ganitong katangian, maayos niyang mapagsunodsunod ang mga detalye mula sa panimula hanggang sa pagtalakay sa resulta ng pag-aaral, kongklusyon, at rekomendasyon.
Masistema
10
Kailangang magkaroon siya ng batayan upang mabigyan ng magkakaibang bigat ang mga datos na nakalap niya. Kailangang suriin niyang mabuti ang mga pangunahing datos at mga pantulong na datos upang maihanay niya ito ng maayos at naayon sa pangangailangan ng kanyang sulating pananaliksik.
Mapanuri
11
Etika ng Pananaliksik
Paggalang sa Karapatan ng iba, Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential, Pagiging matapat sa bawat pahayag, Pagiging obhetibo at walang kinikilingan
12
Kung gagamit bilang respondent ang isang pangkat ng mga tao anumang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang paggalang o respeto sa kanilang Karapatan. Hindi maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlan kung wala silang pahintulot.
Paggalang sa karapatan ng iba
13
Kinakailangang tratuhin ang lahat ng datos at detalyeng nakuha mula sa sarbey, interbyu, o anumang paraan na confidential. Nasa sariling pamamaraan ng mananaliksik kung paano niya ilalahad ang kabuoan ng mga detalyeng ito.
Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential
14
Ang anumang pahayag sa kabuoan ng sulating pananaliksik ay nararapat na matapat at naaayon sa pamantayan ng pagsulat. Hindi maaaring baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang sariling interes o pangangailangan ng ilang tao.
Pagiging matapat sa bawat pahayag
15
Ang isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan. Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang pananaliksik nang walang pagkiling sa sinuman. Dapatay maging patas siya sa lahat. Kinakailangan maibigay kung ano talaga ang nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga tao, institusyon, at iba pa na sangkot sa kanyang ginagawang sulating pananaliksik.
Pagiging obhetibo at walang kinikilingan
16
Mga hakbang sa pananaliksik
Pagpili ng tamang paksa, Paghahanda ng balangkas, Paghahanda ng bibliyograpiya, Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal, Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas, Pagsulat ng pananaliksik, Pagrerebisa ng papel, Pagsulat ng pinal na papel
17
Dito isinasaalang-alang ang interes ng mananaliksik. Sinusuri kung ang paksang napili ay napapanahon, makabuluhan, at kailangan ng mananaliksik nito o ng higit na malaking kliyente – ang lipunan o ang bansa sa kabuoan. Gayundin, kailangan niyang mabatid kung paano lilimitahan o gagawing tiyak ang isang napakalawak na paksa.
Pagpili ng tamang paksa
18
Dito ay inihahanda ang estruktura ng buong organisasyon ng gagawing pananaliksik.
Paghahanda ng balangkas
19
Dito ay masusing isinasagawa ng mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng aklat, magasin, dyornal, at iba pang mga mapagkukunan ng datos para sa gagawing pananaliksik.
Paghahanda ng bibliyograpiya
20
Dito ay binabasa ang nilalaman ng mga aklat, magasin, dyornal na nabanggit sa itaas. Pinagpapasiyahan ng mananaliksik kung aling mga datos dito ang mahalagang makuha at maisama sa gagawin niyang ulat
Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal
21
Aayusin ng mananaliksik ang mga nakalap na datos ayon sa uri ng paglalahad o batayang gagamitin sa ulat.
Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
22
maayos na isinasagawa ang pasulat na ulat batay sa mga naunang ginawang preparasyon ng mananaliksik. Kadalasan, ito ay inaabot ng isa o higit pang lingo depende sa uri ng pananaliksik na isinasagawa
Pagsulat ng pananaliksik
23
Dumaraan ang unang draft ng isinulat sa masusing editing upang matiyak na may kawastuhan sa paggamit ng wika at estilo.
Pagrerebisa ng papel
24
Sa kabuoan, narito ang karaniwang balangkas ng isang ulat pananaliksik/tesis/disertasyon.
Pagsulat ng pinal na papel
25
3 Tatlong uri ng pagbabalangkas
Balangkas na Papaksa, Balangkas na Pangungusap, Balangkas na Talata
26
Ito ay ang tuwirang pagkuha/pagsisipi ng sinabi o ipinahayag ng isang tao. Maaaring i-quote ang sinabi ng isang tao (kilala man o hindi) lalo’t may malaking ambag/kaugnayan ang kanyang mga tinuran sa ginagawang sulatin o pagpapahayag.
Direktang Sipi
27
Ito ang pagsulat sa sariling pangungusap ng isang pahayag, artikulo, o teksto. Maikli lamang ito ngunit hindi kailangang mabawasan ang gtunay na kahulugan ng orihinal. Pinaikli lamang ito upang ang diwang tinataglay ay mapanatili pa ring na roon.
Sinopsis
28
Isang maingat na pag-unawa sa tekstong binasa ang ginawa sa presi. Dito ay pinapanatili ang pangunahing kaisipan at pananaw ng sumusulat ng orihinal. Hindi ito pinapasukan ng sariling opinion o palagay ng naglalagom
Presi
29
Ipinaliliwanag ditto ang mahirap na bahagi ng teksto. May ginagawang pagdaragdag upang maunawaang Mabuti ng babasa ang nilalaman ng orihinal. Kailangan ang paggamit ng magaan at madaling maunawaang salita bagama’t di dapat malayo ang pagpapahayag ng mga kaisipan at pananalita sa pagpapaliwanag ng nilalaman ng orihinal
Parapreys
30
Ito ay isang maikling lagom ng pinal na papel. Kinakailangang maglaman ito ng introduksiyon, suliranin, sakop at limitasyon ng pag-aaral, paraan ng pananaliksik, konklusyon, at rekomendasyon.Ito rin ang isang pahapyaw na pagtukoy sa laman ng bawat kabanata na kapag tinitingnan ay mailalantad ang kabuoan ng sinulat nagama’t di kongkreto.
Abstrak
31
Karamihan sa mga artikulo na ginagamit sa pananaliksik lalo na sa mga napapanahong isyu ay nasusulat sa wikang Ingles. Kung gayon, kinakailangang may kakayahan ang isang manunulat na isalin sa Filipino ang mga ito lalo’t higit kung bihasa siya sa wika ng papel na isasalin. Dito, mapatutunayan ang kakayahan niya sa
Pagsasalin sa Filipino ng mga Sipi