暗記メーカー
ログイン
Driving License Reviewer
  • Joshua Anilao

  • 問題数 60 • 2/21/2025

    記憶度

    完璧

    9

    覚えた

    21

    うろ覚え

    0

    苦手

    0

    未解答

    0

    アカウント登録して、解答結果を保存しよう

    問題一覧

  • 1

    Ano ang ibig sabihin ng ilaw trapiko na ito?

    Huminto bago dumating sa stop line

  • 2

    Kailan ka dapat magsignal kung ikaw ay liliko pakanan?

    Bago lumiko

  • 3

    Ang angkop na senyas kung liliko sa kaliwa ay:

    ang braso at kamay ay nakaunat pakaliwa

  • 4

    Ang panuntunan sa Right-of-Way ay nagbibigay ng:

    lahat ng nabanggit

  • 5

    Alin sa mga sumusunod ang gawaing paglabag sa pavement markings?

    Paghinto at pagbaba ng mga pasahero sa tawiran ng tao

  • 6

    Ang aksyon na ito ay maaaring magdulot sa iyo na mapasagadsad at mawalan ng kontrol kapag gumawa ka ng biglaang paglipat lalo na sa basa at posibleng madulas na kalsada:

    hindi tamang pagpepreno

  • 7

    Ang busina ay para sa:

    magbigay babala para makaiwas sa disgrasya

  • 8

    Hindi ka maaring bumusina maliban na lamang kung:

    may mga umaandar na sasakyan na maaaring magdulot sa iyo ng kapahamakan

  • 9

    Ayon sa R.A. 10666, ang bata ay maaaring sumakay sa motorsiklo kung siya ay nakasuot ng standard protective helmet, komportableng naabot ng mga paa ang standard foot peg, at:

    nakakayakap ng 360 degrees sa baywang ng driver

  • 10

    kapag ginagamit ang pangunahing batas sa bilis bilang gabay, ang pagpili ng bilis ay nakadipende sa:

    lahat ng nabanggit

  • 11

    Ano ang ibig sabihin ng pavement marking na ito?

    Gilid ng kalsada

  • 12

    Paano ka naaapektuhan ng alak?

    Pinapababa nito ang iyong konsentrasyon

  • 13

    Totoo ba na ang di kumikilos na pulang trapikong ilaw ay nangangahulugang dapat kang huminto hanggang ang sangandaan ay maging maaliwalas para magpatuloy?

    Hindi totoo

  • 14

    Ang sasakyan ay nakaparada kapag:

    ang sasakyan ay hindi gumagalaw habang patay ang makina

  • 15

    Ano ang ibig sabihin ng isang paunang babala na may riles ng tren?

    Upang balaan ang mga motorista na may riles ng tren sa unahang bahagi ng kalsada

  • 16

    Habang nagmamaneho gusto mong lumiko pakaliwa sa minor na kalsada. Paano ang gagawin mo?

    Huwag magmadali at ayusin lamang ang paglipat

  • 17

    Ayon sa R.A. 10666, alin sa mga sumusunod ang nagbabawal sa driver na mag-angkas ng bata?

    Kung ang itinakdang bilis ay higit sa 60 km/oras

  • 18

    Ano ang nararapat mong gawin kung nakasabay mo ang sasakyang pangkagipitan gaya ng ambulansya, fire truck, sasakyan ng pulis sa kalsada na sumisirena?

    Magbigay ng daan sa pamamagitan ng paglipat sa kaliwa o gilid na bahagi ng kalsada dipende sa kalagayan

  • 19

    Ang bilis ng pagmamaneho mo sa gabi ay dapat nakadipende sa:

    lahat ng sagot

  • 20

    Ano ang ibig sabihin ng senyas na ito?

    Walang paradahan mula Lunes hanggang Biyernes

  • 21

    Sa mga rotonda, alin sa mga sumusunod na mga sasakyan ang mayroong Right-Of-Way?

    Mga sasakyan na nasa rotonda

  • 22

    May biglang tumawid sa kalsada nang aandar ka na. Ano ang gagawin mo?

    Maghintay hanggang sa makatawid ang tao

  • 23

    Ang paglipat ng linya sa sangandaan ay:

    hindi ligtas

  • 24

    Ano ang dapat na kulay ng blinkers para sa mga mahahabang sasakyang mababagal ang takbo?

    Dilaw

  • 25

    Pinapahintulutang pumarada ang isang sasakyan kung:

    lampas 4 na metro sa boka-insendiyo o fire hydrant

  • 26

    Ang traffic sign na "No Parking" ay nangangahulugan na:

    maaaring huminto sandali upang magsakay o magbaba ng mga paninda o pasahero at hindi dapat na nakakasagabal

  • 27

    Alin sa mga nabanggit ang hindi nililimitahan ang bilis ng takbo?

    Mga doktor o kanilang driver na tutugon sa emergency

  • 28

    Hindi ka dapat gumagamit ng mobile phone habang nagmamaneho ng motorsiklo dahil:

    ito ay ipinagbabawal ng batas at nakakasagabal ito sa iyong atensyon habang nagmamaneho

  • 29

    Ano ang ibig sabihin ng dilaw na ilaw pantrapiko na kumukurap-kurap?

    Bagalan ang takbo at magpatuloy kung walang panganib

  • 30

    Saan mo makikita ang senyas trapiko na ito?

    Sa pook tawiran ng paaralan

  • 31

    Ang sasakyan sa harapan mo ay nag di-dilaw na ilaw. Ang ibig sabihin nito ay:

    mabagal na paggalaw

  • 32

    Ano ang pinakamabigat na parusa sa pagmamaneho nang nakainom o nakadroga?

    Pang habambuhay na suspendido ang lisensiya

  • 33

    Ayon sa R.A. 4136, ang Student-driver's Permit ay maaaring ibigay sa mga may malusog na pangangatawan at pag-iisip at dapat ay hindi bababa sa edad na:

    16 na taong gulang

  • 34

    Ang ibig sabihin ng dobleng puting putol-putol na linya sa daan ay:

    pwede kang mag-overtake sa kaliwa o sa kanan kapag walang panganib

  • 35

    Ano ang kulay na traffic light na nagsasabing GO o maaari ka nang umandar?

    Berde

  • 36

    Ano ang dapat na haba ng saddle box o bag?

    Ang haba ay hindi dapat lalampas sa dulong bahagi ng likuran

  • 37

    Maaari kang mag-overtake sa highway kung ito ay may dalawang lane na may:

    putol-putol na puting linya

  • 38

    Sa anong pagkakataon maaaring pumarada sa harap ng pasukan ng ospital?

    Wala sa mga nabanggit

  • 39

    Ang dobleng buong dilaw na linya ay:

    hindi dapat tawirin kailanman

  • 40

    Ano ang ibig sabihin ng senyas trapiko na ito?

    Ang itinakdang bilis sa lugar na ito ay 60 kph

  • 41

    Ayon sa batas, ano ang dapat mong gawin sa sandaling makarating sa isang interseksyon na may senyas na huminto?

    Huminto at dumiretso kung ligtas na itong gawin

  • 42

    Ano ang nararapat mong gawin kung ikaw ay papasok sa lugar na maraming ginagawang kalsada na pansamantalang ipinagbabawal ang pag-overtake?

    Sundin ang senyas ayon sa nakasulat

  • 43

    Upang makatulong sa pagbawas ng polusyon sa hangin, ano ang dapat mong gawin sa iyong preno?

    Pumreno nang maayos

  • 44

    Ano ang gagawin mo kung ikaw ay paparating sa interseksyon at ang ilaw pantrapiko ay naging dilaw mula sa kulay na berde?

    Tumigil bago ang interseksyon o bago ang linya sa paghinto

  • 45

    Ano ang ibig sabihin ng parisukat o parihabang traffic sign na may asul o puting ilaw?

    tandang nagbibigay-kaalaman (Informative sign)

  • 46

    Sa krus na daan walang mga babala o marka sa kalsada. May dalwang sasakyan na paparating, alin ang mas may prayoridad?

    Wala

  • 47

    Alin sa mga traffic light ang nagsasabi sa iyong maghanda sa paghinto?

    Dilaw

  • 48

    Kapag papalapit sa isang crosswalk o linya ng taong naglalakad, dapat kang:

    huminto at maghintay sa taong naglalakad

  • 49

    Ano ang dapat mong gawin kung nais mong bagalan ang takbo o huminto?

    Tapakan ng bahagya ang preno upang umilaw ang brake light

  • 50

    Kung kailangan mong magsuot ng salamin sa mata upang makakita nang malinaw, kailan mo dapat ito isuot kung ikaw ay magmamaneho?

    Sa lahat ng oras

  • 51

    Kung ito ang plaka ng iyong sasakyan, kailan mo dapat i-renew ang rehistro upang maiwasan ang multa?

    Hanggang sa huling linggo ng ika-apat na buwan ng taon

  • 52

    Ang paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho ay delikado at:

    ito ay labag sa batas maliban na lamang kung ginagamitan ng hands free device

  • 53

    Kung higit sa isang driver ang dumating sa four-way stop, sino sa kanila ang may karapatan sa daan?

    Ang driver na unang dumating ang siyang unang dapat na umandar

  • 54

    Ang panglikong signal na ilaw ay dapat gamitin kapag:

    ipaparating ang iyong intensyon sa mga driver na nasa paligid mo

  • 55

    Ang pagmamaneho ng higit na mabilis sa itinakdang bilis ay:

    ito ay ipinagbabawal ng batas maliban na lamang kung may emergency

  • 56

    Ang traffic sign na ito ay nagsasabing "magbigay ng karapatan sa daan":

    baligtad na tatsulok

  • 57

    Ang traffic sign na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga batas at regulasyong pantrapiko na kung hindi papansinin ay ituturing na paglabag ay tinatawag na:

    regulatory signs

  • 58

    Kailan mo dapat suriin ang lebel ng langis ng iyong makina?

    Bago ang mahabang lakbayin

  • 59

    Ang mga mandato ng LTO ay magrehistro ng mga sasakyan na emission compliant at karapat-dapat na gamitin, magbigay kaayusan sa kalsada, at:

    bigyan ng lisensya ang mga dekalidad na driver

  • 60

    Ano ang dapat mong gawin kung ang riles ng tren ay walang babala o warning devices?

    Bagalan ang takbo, suriin ang kaliwa at kanang bahagi ng riles