記憶度
4問
12問
0問
0問
0問
アカウント登録して、解答結果を保存しよう
問題一覧
1
- Ito ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang sariling bilang isang yunit.
LIPUNAN
2
→"Ang wika ay tumutukoy sa masistermang balangkas ng sínasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo ng mga tao sa lipunang may iisang kultura."
HENRY GLEASON
3
- Ito ay pasalita o pasulat man, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isat İsa.
WIKA
4
* isang bantog na iskolar sa bansang Inglatera. * Ibinihagi niya ang knyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang
MICHAEL ALEXANDER KICKWOOD
5
→ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang "Language and Social Behavior" (1972). 1. Pagkilala sa estado, damdamin at pagkatao, panlipunang pagkakakilanlan, at ugnayan; 2. Pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.
W.P ROBINSON
6
- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
Instrumental
7
Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol o sa paggabay ng ugali ng iba. Pagbibigay ng direksiyon ng isang partikular na lugar.
Regulatoryo
8
Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa. Pakikipag-usap sa isa o higit pang tao ay interpersonal na komunikasyon. Halimbawa: E-mail Forum Online class
Interaksiyonal
9
Nakakapagpahayag ng sariling damdamin, emosyon o opinyon. HALIMBAWA: Biograpiya - talambuhay ng tao tungkol tunay na pangyayari Awtograpiya - talambuhay ng tao na siya mismo ang nagsulat
Personal
10
Ang tungkuling ito ay ang pagkuha o ang paghahanap ng impormasyon o datos. Halimabawa: Pakikinig sa guro Panonood sa telebisyon ng mga balita NEWS TV
Heuristiko
11
Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Ito ang pagbibigay ng impormasyon o datos sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa: GURO REPORTER
Impormatibo
12
Pagganap ng pagpapalitan ng kaisipan Kung tapat ang intensiyon dapat iwasan anumang mis-enterpretasyon at kalabisan.
REPRESENTASYUNAL
13
(2003) * Isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng ika-dalawangpung siglo. Nagtatag ng "Linguistic Circle New York *Bantog na Function Language ang kanyang naging ambag sa larangan ng semiotics. *Semiotics ay pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung paano ito gamitin,,
ROMAN JACOBSON
14
saklaw nito ang pagpaphayag ng damdamin, saloobin at emosyon. Halimbawa: Pag-awit, pagsulat ng tula, nagagalit umiiyak
EMOTIVE
15
ito ang paggamit ng wika bilang paghimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap. Halimbawa: Online Selling, Pagbigkas ng talumpati, seminar
CONATIVE
16
- ginagamit ang wika upang makapag- ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan. Halimbawa: Pakikipag-usap, pagtatanong Kamusta ka? Magandang umaga po. Saan ka galing?
PHATIC
17
- saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, atbp. Halimbawa: Sa pag-inog ng mundo madaming bagay ang nagbabago at isa dito ang paraan ng paggamit natin ng wika sa lipunang ating ginagalawan, tunay na mahalaga ang wika at isa sa pinakamahalagang instrument upang ang bawat isa sa atin ay mas magkaisa at magkaunawaan.
POETIC
18
- ito ang gamit ng wika kung saan lumilitaw ang mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang grupoo batas. Halimbawa: *Mungkahi, opinion, Social media post * Malinaw na isinasaad sa Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino
METALINGUAL
19
- ipinakita nito ang gamit ng wikang nagmumula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon. Halimbawa: Panonood ng balita, pagbabasa ng aklat, mapagkukunan ng impormasyon "Ayon sa Google at Wikipedia.." "Ayon sa aklat na sinulatni Jose Rizal.."
REFERENTIAL
20
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan sa kapwa ay maituturing na ________ lamang sa tao.
unique
21
Ayon kay ______ (1965), ang pagkamalikhain ng wika ay nakikita sa kakanyahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang tulad ng hayop.
Chomsky
22
Ayon kay Paz, et.al. (2003; pahina 4), ang tao ay gumagamit ng wikang naaangkop sa _______.
sitwasyon
23
tawag sa wikang kinagisnan mula sa pakasilang at unang natutunan ng isang bata.
Unang wika
24
wikang natutunan ng isang bata mula sa kanyang paligid na ginagawalan, madalas din itong natutunan sa loob ng silid-aralan at papanoud sa telebisyon, at kinakatawan din ng L2.
Ikalawang wika
25
nagagamit ang wikang ito sa pakikiangkop sa lumalawak na mundong ginagalawan ng isang tao at kumakatawan.
Ikatlong wika
26
* tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa. * hal: England, Pransya, South Korea, Japan atbp. * iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. * ito ay ginagamit sa wikang pang komersyo, negosyo, at sa talastasan.
Monolingguwalismo
27
* Ayon kay Leonard Bloomfield ang ________ ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang magkaibang wika.
Bilingguwalismo
28
* tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o indibidwal na makaunawa at makapagsalita ng iba't-ibang wika *kabilang ang Pilipinas sa _______ * mahigit 150 wika at wikain ang Pilipinas
Multilingguwalismo
29
Ang indibidwal na bihasa sa paggamit ng iba’t ibang wika ay siyang matuturing na ______.” ---- Clyne (2014)
Poliglot
30
ito ay tumutukoy sa taong nag-aral ng iba’t ibang wika na sinasanguni bilang taong natuto ng maraming wika.
Avocation