記憶度
3問
10問
0問
0問
0問
アカウント登録して、解答結果を保存しよう
問題一覧
1
ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba't ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ang akademikong pagsulat ay meron ding layunin, ito ay ang mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabataid o maiparating sa mga makakakita o makababasa.
sulating akademik
2
Sa pagsusulat, ang _ ng manunulat ay isang mahalagang pinagmumulan ng paksa, karanasan o ideya. Ang mga karanasan o ideya ng manunulat ang kanyang pagyayamanin at ilalahad sa kanyang pagsulat.
paligid
3
Ang akademikong pagsulat ay kinakailangang may _ sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulong at dinepensahan, ipinaliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng manunulat.
may paninindigan
4
Sa bahaging ito, naisusulat ang unang borador na ihaharap ng bawat mag-aaral sa isang maliit na grupo upang magkaroon ng interaksiyon kung saan tatalakayin ang mga mungkahing pagbabago o mga puna. Karaniwang tuon ng bahaging ito ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral, at lohika sa loob ng sulatin.
habang sumusulat (actual writing)
5
ay resiprokal na proseso sa pagbuo ng kahulugan, pag-aanalisa, pagbibigay-interpretasyon, at pagtatalastasan ng mga ideya. Sa mga gawaing ito, kailangan ang karanasan, kaalaman, sariling paniniwala, at saloobin ng mga mag-aaral sapagkat tulad ng nabanggit na sa simula ng modyul na ito, ang paksa, tema, o katanungang bibigyang-sagot ng manunulat ay magmumula sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw.
pag basa at pagsulat
6
Dapat bigyan ng kaukulang pansin ang _ ng tekstong isusulat.
panimula
7
Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda. Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinapahayag upang hindi malito ang mambabasa dahil ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto.
katawan
8
Binibigyang pansin ng pagsulat:
1.Emosyonal at kalagayang sosyal ng manunulat . 2.Kognitibong kakayahan ng manunulat sa paglikha ng isang diskurso.
9
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay _ at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral. Halimbawa: Thesis Disertasyon Pamanahong papel
pormal
10
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghahanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng batas. Halimbawa: Republic act no. 8293 “protecting the intellectual property in the philippines”
may pananagutan
11
May tatlong hakbang para maisagawa ang panggitnang bahagi ng sulatin.
• Pagpili ng organisasyon • Pagbabalangkas ng nilalaman • Paghahanda sa transisyon ng talataan
12
Ito ay isang proseso ng imbensyon.
pagsulat
13
5 katangian ng akademikong pagsulat
pormal obhetibo may paninindigan may pananagutan may kalinawan
14
Ayon kina? ang pagsulat ay is ang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagb ubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
xing at jin (1989)
15
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa ibat' ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa. Halimbawa: Akademikong aklat
obhetibo
16
Dahil ang pinakalayunin ng pagsusulat ay ang makapagpapahayag ng mensahe, nararapat lamang na ang presentasyon ng mga ideya ay:
sapat kumpleto totoo makabuluhan malinaw
17
Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging ito upang makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isàng makabuluhang pag-iisip at repleksiyon.
wakas
18
Ayon kay: ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
keller (1985)
19
Sa bahaging ito, ginagawa ang mga pagbabago sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagkakaltas at paglilipat-lipat ng mga salita, pangungusap, o talata. Bilang pangwakas na hakbang, pagtutuonan na ang mekaniks ng sulatin tulad ng baybay, bantas, at gramatika.
pagkatapos sumulat (post writing)
20
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sismetatiko.
may kalinawan
21
Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay dumaraan muna sa brainstorming. Dito ay malaya silang mag-isip at magtala ng kanilang mga kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa. Dit orin mapagpapasiyahan kung ano ang susulatin ng mag-aaral, ano ang layunin sa pagsulat, at ang estilong kanyang gagamitin.
bago sumulat prewriting
22
ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang magagamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng tao, o mga tao sa layuning maipahayag ang isipan. Ito ay kapwa pisikal at mental na activity na ginagawa para sa isang layunin. Ang pagsulat ay isang sosyokognitibong proseso.
pagsulat
23
Tatlong bahagi ng teksto sa pagsulat
panimula katawan wakas
24
3 proseso ng pagsulat
bago sumulat (prewriting) habang sumusulat (actual writing) pagkatapos sumulat (post writing)